Skip to main content

Ito Pala Ang Sikreto Ni Marian Rivera Kaya Nanatili Siyang Payat Kahit Nanganak Na!



Ang pagiging ina ay isang napakalaking sakripisyo. Unang una rito ay ang pagsasakripisyo mo sa iyong katawan dahil sa mga pagbabagong magaganap habang ikaw ang nagbubuntis hanggang sa manganak.

Sa halip, naging challenge ito para sa Kapuso actress na si Marian Rivera. At naging inspirasyon pa siya sa maraming taong gustong magpapayat. Kaya pala kahit siya ay nanganak na, napanatili pa rin niya ang kanyang slim at seksing katawan dahil dito sa kanyang sikreto!
Nagmimistulang parang dalaga pa rin si Marian dahil sa ginawa niyang balik alindog program. Ito ay ang pagco-crossfit. Ito ay ang iba't ibang uri ng workouts na mayrong high-intensity interval training, olympic weightlifting, gymnastics, at iba pa.


Nais talaga ni Marian na maging fit hindi para sumeksi kung hindi para maging healthy para sa kanyang anak na si Zia. 
"Befire kasi di ako masyadong OA sa page-exercise. Nage-exercise ako pero hindi ko kina-career. But this time na may Zia ako, sabi ko I want to be healthy, hindi dahil sa mag-gym ako dahil gusto kong sumeksi. No, I want to be healthy for my Zia." pahayag ni Marian.
Sa ngayon ay active ang actress sa kanyang pagco-crossfit halos araw araw, maliban na lang tuwing linggo dahil mayroon siyang taping sa Sunday Pinasaya na napakaaga. Ayon din sa kanya, pwede namang kumain ngunit siguraduhing ito ay tama at bawal lang ang sobra. 

Ayon sa kanyang coach, hindi lang sila nagfofocus sa specific body part at sinisiguradong nacocover ang buong katawan nitong exercise na ito. Minsan ay makikita sa post ni Marian sa kanyang Instagram account na magkasama pa sila ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes na nag-eexercise.

Bukod sa exercise niyang ito, ang diet daw niya ay fish. Kadalasan siya pa mismo ang nagluluto ng kanyang pagkain upang masiguradong ito ay healthy. At umiiwas siya sa matamis dahil ito ang pangunahing nagdudulot nang pagkataba. 




Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-