Skip to main content

Limang Epektibong Tips Para Mawala ang Malaking Puson At Bilbil!






Karamihan sa ating mga babae ay problema ang malaking puson o lower belly pooch kung tawagin. Isa itong nakakainsecure na parte ng ating katawan dahil ang ilan naman ay walang puson o flat ang kanilang belly. 

Maraming factor ang dahilan ng pagkakaroon ng malaking puson. Isa na rito ang pagkonsumo ng maraming alc0hol, pag-inom ng mga carbonated drinks, pag-kain ng mga maaalat o unhealthy na pagkain o dahil sa panganganak. 

Ang pagkakaroon ng malaking puson ay isa sa pinakamahirap na paliitin sa ating katawan dahil kaunti ang mga muscle banda rito at hindi gaano natatarget ng exercise ang muscles sa ating puson.


Para matanggal ito, kailangan mo sundin ang mga limang bagay na ito upang mapaliit ang inyong malaking puson o lower belly pooch:





1. Limitahan ang paginom ng al^k

Isa itong pinakaunang dahilan ng pagkakaroon ng malaking puson sapagkat ang mga taong madalas uminom at kumokonsumo ng maraming al^k ay nagkakaroon ng b3er belly dahil dito lahat naiimbak ang mga inuming alc0h0l. 


2. Baguhin ang inyong diet

Alam nating lahat na ang pagkakakaroon ng tamang diyeta ay ang solution para sa mga stubborn belly fats na ayaw nating makita sa ating katawan. Ang mga karaniwan na nagsasanhi ng malaking puson ay ang mga pagkain na niluto gamit ang mga unhealthy oils gaya ng hydrogenated oil. Para mabawasan ang inyong problema, gumamit ng olive oil sa pagluluto at mainam na kumain ng avocado araw araw.

3. Bawasan ang Rice

Problema ng mga pinoy ang pagkakaroon ng malaking tiyan o belly dahil nakaugalian nating kumain ng rice sa lahat ng meals sa buong araw. Alam niyo ba na ito rin ang isang factor kung bakit kayo mayroong mga unwanted fats sa inyong katawan? Ang rice ay isang carbohydrates na nakakapagdulot ng paglaki ng tiyan kapag tayo ay napapasobra sa pagkain nito. Umpisahan ang diet sa pag-iwas o pagbawas ng pagkain ng rice upang mawala ang malaking puson.


4. Cardio Exercise

Imposibleng mawala ang inyong taba kung hindi kayo nageexercise 3 beses sa isang linggo. Ang mga taba na namumuo sa inyong lower belly ay kailangang matagtag sa paraan ng aerobic o cardio exercise. Ang exercise na ito ay makakatulong upang ma-burn ang mga fats sa katawan, maaari kang mag jogging, swimming, zumba o kahit anong exercise na bibilis ang takbo ng iyong puso. Subukan muna ang 15 minutes na exercise kada umaga 3 beses sa isang linggo bago magfocus sa exercise na pang abs. Kailangan munang masanay ng inyong katawan sa pagpapawis upang matagtag ang ating taba.



5. Magsuot ng mga shapewear na susuporta sa inyong puson

Upang masanay ang inyong puson na maging flat, isa ring epektibong paraan ang pagsuot ng mga girdle, cycling o high waist underwear na fit at susuporta sa iyong puson. Ugaliing magsuot nito araw araw hanggang sa mapansin na nasasanay ang inyong tiyan sa ganitong posisyon. Mainit nga lamang ang pagsuot ng mga ganitong underwear, subalit makakatulong ito para maflatten ang inyong belly.


Kung kayo ay nagtitipid, maaari rin kayong gumamit ng clingwrap o plastic wrap at ikutin ito sa inyong puson at hayaan itong nakasuot sa inyo buong gabi upang makatulong suportahan ang inyong puson.









Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-