Ang pagkain ng prutas ay napakaraming benepisyo para sa magandang kalusugan. Alam niyo ba na maraming prutas ang maaaring magbigay kontra laban sa mga karamdaman gaya na ng diabetes? Ang Diabetes ay isang kondisyon kung saan ang ating katwan ay hindi nakakapag produce ng sapat na insulin. Walang lunas sa kondisyon na ito subalit maaari naman itong mabalanse sa wastong pagkain at pag-alaga ng sarili.
Narito ang mga prutas na makatutulong kung ikaw ay mayroong diabetes.
1. Strawberries
Ang strawberries ay may taglay na nakapagpapabalanse ng asukal sa katawan. May kakayahaan itong maisaayos ang pagdaloy ng dugo at ang dami ng asukal sa ating katawan na makatutulong sa hindi pagtaas at pagbaba ng ating sugar levels. Maaari itong kainin, gawing inumin, idagdag sa salad o gawing jam.
2. Apple
Ang pagkain ng mansanas ay napakaganda sa katawan na makatutulong sa taong may diabetes dahil may kakayahan itong pigilan ang pagbaba at pagtaas ng blood sugar. Maaari rin itong isama sa listahan ng iyong diet dahil sa pagkain nito maiibsan ang iyong pagkagutom dahil hindi ito nakakataba sapagkat mababa ang calories nito. Maaari mo rin itong gawing salad at inumin tulad ng apple juice at apple shake.
3. Avocado
Ang avocado ay may taglay na makapagpapabagal ng pag tunaw ng kinain at may kakayahang itong magpanatili ng tamang dami ng asukal sa ating katawan na makatutulong sa taong may diabetes. Maari itong kainin at gawing inumin tulad ng avocado shake.
4. Papaya
Ang papaya ay makatutulong sa taong may diabetes dahil ang papaya ay may taglay na maraming bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan at makakatulong sa taong may diabetes. Pati narin upang makakaiwas sa iba pang mga s4kit na dulot ng pagkakaroon ng diabetes. Ito ay maaaring kainin, ipangsahog, at gawing inumin tulad ng papaya shake.
5. Pipino
Ang pipino ay makatutulong sa pagpapababa ng blood sugar at sa mga komplikasyon na dulot ng pagkakaroon ng diabetes. May kakayahan rin itong maisa-ayos at tamang dami ng insulin sa ating katawan. Nababalanse rin nito ang asukal sa ating katawan. Maaari itong kainin, ihalo sa tubig at gawing inumin tulad ng pipino juice at pipino shake.
Comments
Post a Comment