Ang diarrhea ay isa nang pangkaraniwang problema ng tiyan na nagdudulot ng panan4kit ng tiyan at sobrang paglalabas ng matubig na dumi. Ito ay isang natural na reaksyon ng katawan upang ilabas ang bakterya, toxins, parasites, at iba pang mikrobyo na nakapasok sa ating katawan.
Ngunit isa sa mga naidudulot ng diarrhea ay ang dehydration na kung saan tumataas ang dami ng tubig at mineral na lumalabas sa ating katawan. Na kung maaari ay dapat ito ang pinakainiiwasang mangyari. Kaya narito ang mga bagay na dapat gawin upang malunasan ang diarrhea:
1. Kumain ng saging
Ang saging ay isa sa mga pagkain na dapat mong kainin kung ikaw ay nakakaranas ng diarrhea dahil mataas ito sa pectin, isang water soluble fiber na nakakatulong bawasan ang loose water stools. Mataas din ang mga ito sa potassium na makakatulong ibalik ang mga nawalang electrolytes sa katawan.
2. Kumain ng Yogurt
Makakabuti ang pagkain ng yogurt na may live lactobacillus upang malunasan ang bacterya sa tiyan dahil nilalabanan nito ang mga bad bacteria na nagdudulot ng diarrhea.
3. Uminom ng chamomile tea
Ang chamomile ay mayroong antispasmodic properties na makakapagbigay ng ginhawa sa panan4kit ng tiyan at bawasan ang implamasyon na dulot ng diarrhea.
4. Kumain ng puting kanin o white rice
Ang white rice ay isa sa mga bland foods na rekomendado tuwing ikaw ay nakakaranas ng diarrhea dahil madali itong madigest. Nakakatulong din ito sa pagpapatigas ng dumi.
5. Panatilihing hydrated ang katawan
Dahil sa mas maraming tubig ang nailalabas ng katawan, iwasan ang madehydrate. Siguraduhing uminom ng sapat na tubig. Maaari ring maghalo ng oral hydration salt o oresol sa iyong iniinom na tubig upang maibalik ang mga nawalang electrolytes sa katawan.
6. Umiwas sa mga inuming may caffeine
Huwag munang uminom ng mga inumin gaya ng kape, al@k, softdrinks at citrus juices dahil nakakapagdulot ito lalo ng iritasyon sa inyong gastrointestinal tract at pwede lamang palalain ang kondisyon ng diarrhea.
7. Magpahinga
Umiwas muna sa mga mabibigat na activities dahil mas lalo ka lang manghihina at hindi makakatulog ng mabuti. Bigyan ng oras ang inyong katawan upang makarecover sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga.
Comments
Post a Comment