
Nahihiya ka ba na magsuot ng sleeveless na damit dahil nangingitim ang iyong mga kili-kili? Talaga naman ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili ay nakakahiya mapa babae man o lalaki at nakakapagpababa ng kumpyasa sarili.
May ilang mga kadahilanan kung bakit nangyayari ito, narito at alamin ang mga dahilan kung bakit umiitim ang iyong kili-kili at ano ang mga dapat mong gawin o iwasan.
1. Pagbubuntis
Nababahala ka ba kung bakit na lamang umiitim ang iyong mga kili-kili kapag ikaw ay buntis? Ito ay isang normal na pangyayari dahil kapag ikaw ay buntis, mas madami ang iyong mga hormones na nakakapagstimulate sa iyong mga cells upang gumawa ng pigment. Mawawala rin ito pag ikaw ay nanganak na.
2. Pagshe-shave o pag-aahit
Ang pag-aahit ay isang napakadaling paraan upang matanggal ang mga buhok sa kili-kili. Ngunit ito ay maaaring magdulot ng iritasyon at makapagpaitim ng kili-kili. Upang maiwasan ito, mas mainam kung ipapawax na lamang ito dahil matatanggal pati ang mga ugat ng iyong buhok sa kili-kili.
3. Paggamit ng matapang na deodorant o antiperspirant
Sinasabi sa ilang mga deodorant na may kakayahan silang magpaputi, ngunit dahil sa iba't ibang matatapang na kemikal na ginagamit dito ay maaaring magdulot lang ito ng iritasyon at mas makakapagpaitim pa. Kaya gumamit na lamang ng mga natural home remedies gaya ng kalamansi, lemon, at baking soda.
4. Pagdami ng mga d*** skin cells
Ang mga d*** skin cells ay maaaring dumami sa ating balat maging sa ating mga kili-kili. Ang pag-accumulate ng mga ito ay maaari ring maging dahilan ng pangingitim. Upang maiwasan ito, kailangang mag-exfoliate ng kili-kili gamit ang body scrub.
5. Pagsusuot ng masikip na damit
Ang pagsusuot ng masikip na damit ay maaaring magdulot ng friction o ang pagkakagasgas ng balat sa kili-kili sa damit kaya naman ito ay umiitim. Makakabuti kung magsuot na lamang ng loose na damit.
6. Paninig*rilyo
Ang tawag sa kondisyong ito ay sm0k*r's melanosis na kung saan nagkakaroon ng hyperpigmentation ang balat o ang pagkakaroon ng mga dark patches dahil sa patuloy na paninig*rilyo. Makakabuti kung umiwas na lamang dito.
Comments
Post a Comment