Mga Sintomas Ng Baradong Ugat O Artery Na Kailangan Ninyong Malaman Dahil Ito Ay Isang Delikadong Kondisyon!
Ang Atherosclerosis o tinatawag na blocked arteries ay ang pagbuild-up ng fatty material sa loob ng mga arteries. Ito ay ang karaniwang nagdudulot ng coronary heart disease at ibang circulatory disease.
Karamihan sa atin ay may blocked arteries o baradong mga ugat na hindi natin alam hanggat hindi natin nararamdaman ang mga sintomas nito. Kadalasan, nalalaman nalang ito ng iba kapag sila ay nakaranas na ng heart attack o stroke. Delikado sa ating katawan ang pagbuo ng fatty deposits sa ating mga artery dahil ito ay isang potential silent k*ller.
Kaya naman importante ang pag alam sa mga sintomas nito upang maging alerto sa mga posibleng mangyari sa inyong kalusugan:
• Pananakit ng mga paa
• Madalas na cramps sa muscles ng mga paa
• Mabagal na paghilom ng sugat sa paa
• Cold feet
• Madalas na pananakit ng dibdib
• Hirap sa paghinga
• Heart palpitations
• Pagkalagas ng balahibo sa paa
• Pagkawala o paglabo ng paningin
Ano ang sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng baradong artery?
Kadalasan ang mga fatty material o fatty deposits ay nagsisimulang mag accumulate sa lining ng ating arterial wall. Ito ay ang nagdudulot ng inflammation sa ating mga artery. Sa paglipas ng panahon, bumubuo ito ng matigas na plaque at maaring magdagdagan ang plaque na ito pagdating ng panahon hanggang sa lumitaw ang mga sintomas na ikaw ay may baradong
Paano malalaman kung kayo ay may baradong artery?
Nirerekomenda ng mga doktor na magpakonsulta ang mga may edad na 40 pataas upang malaman kung kayo ay may mataas na tiyansang magkaroon ng baradong arteries. Maaaring i-monitor nila ang iyong blood pressure, cholesterol level at aalamin ang medical history.
Magsasagawa rin ang iyong doktor ng mga tests gaya ng cardiac imaging, blood tests, CT scan o MRI upang madetect kung ikaw nga ay mayroong baradong ugat.
Magsasagawa rin ang iyong doktor ng mga tests gaya ng cardiac imaging, blood tests, CT scan o MRI upang madetect kung ikaw nga ay mayroong baradong ugat.
Comments
Post a Comment