Tiyak naman na nakakainis at nakakadiri na may daga sa inyong bahay dahil maaari itong makapinsala o makasira ng mga kagamitan, pagkain at nang mga damit. Maaari rin itong magdulot ng s4kit na mapanganib tulad ng leptospirosis at rabies.
Naiinis ka na ba dahil mayroong daga sa inyong bahay? Hindi mo ba alam kung paano ito mapupuksa? Alamin natin sa artikulong ito kung paano mahuhuli ang mga pesteng ito.
Narito ang mga mabisang paraan para mapuksa ang mga daga sa inyong bahay:
1. Tiyakin na malinis ang bahay
Sa pagtiyak na nanatiling malinis ang iyong bahay ay makatutulong sa pagpuksa ng mga daga dahil kadalasan ang mga daga ay naninirahan sa mga bahay o kapaligiran na madumi. Naaakit ang mga ito at iba pang mga peste sa mga pagkain na nakahapag sa mesa o cabinet kaya tiyakin na ang mga pagkain ay nakalagay sa tamang lugar at lalagyanan para hindi makain ng daga at maiiwasan na may manirahan na daga sa inyong bahay.
2. Sili at Sibuyas
Ang sili at sibuyas ay isang natural na pamamaraan para mapuksa ang mga daga sa mga kabahayan at maitaboy dahil ang sili ay may sangkap na nakapagpapainit ng kanilang katawan. Ang amoy ng sibuyas ay hindi nakapagpapasaya sa mga daga kaya ang sangkap na ito ang siyang nakapagpapalayas sa mga ito.
3. Mouse Trap
Ang mouse trap ay mabisa rin na ginagamit na pamamaraan para mapuksa ang mga daga dahil ginawa ang produktong ito para mahuli ang mga daga. Inilalagay sa mga lugar na kung saan ang mga daga ay naninirahan. Pagkatapos mahuli, ang iba ay inilulubog ang mouse trap sa kumukulong tubig upang mawalan ng buhay ang mga peste na ito.
4. Mag-alaga ng pusa
Ang pag-aalaga ng pusa ay isang pinaka epektibong at pinakamadaling pamamaraan sa pagpuksa ng mga daga sa inyong tahanan. Dahil ang mga pusa ay magaling manghuli ng mga daga kaya hindi ka na mapapagod pang hulihin ang mga ito.
5. Baking Soda Solution
Ang baking soda solution ay ang sangkap na pinaghahalo ang asukal, tsokolate at baking soda. Ang amoy ng asukal at tsokolate ang siyang magbibigay ng hikayat sa mga daga na lapitan ito. Kapag ito ay kinain ng mga daga, sila ay malalason sa baking soda at tuluyan ng mapupuksa ang mga ito.
Comments
Post a Comment