Alam naman natin na ang breakfast o agahan ang pinakaimportanteng meal of the day. At isa sa mga paborito at madaling lutuin tuwing umaga ay ang oatmeal. Papakuluan lamang ang oats sa kaunting tubig, lalagyan ng gatas o asukal at ready na itong kainin.
Ang oatmeal ay isang napakasustansiyang pagkain at siksik pa sa mga bitamina at mineral gaya ng zinc, magnesium at iron na nakakatulong sa pangkalahatang kalusugan. Kaya narito ang mga benepisyo at pwedeng mangyaring pagbabago sa iyong katawan kung aaraw-arawin ang pagkain ng oatmeal!
1. Madadagdagan ang protina sa katawan
Ang protina ay isang napakaimportanteng nutrisyon na kailangan ng katawan upang gumana ito ng maaayos. Dahil ang oats ay mayaman dito, mabibigyan nito ang katawan ng 15% recommended daily intake ng protein na makakatulong sa pagkakaroon ng malakas na muscles.
2. Nakakapagpaganda ng balat
Nakakatulong ang oatmeal sa pagpo-promote ng malusog na balat dahil mayroon itong anti-inflammatory properties na panglunas sa mga skin irritation gaya ng eczema at rashes. Nakakatulong din itong linisin ang katawan sa detoxiftying properties nito.
3. Nakakatanggal ng harmful toxins
Ang mga harmful toxins ang pangunahing dahilan na nagdudulot ng s4kit sa katawan. Dahil mayaman ang oatmeal sa antioxidants, makakatulong ito sa pagiwas sa iba't ibang karamdaman gaya ng implamasyon, high blood pressure, at skin problems.
4. Nagbibigay ng enerhiya
Importante ang pagkakaroon ng mataas na enerhiya sa buong araw upang magampanan natin ng mabuting ang ating mga gawain. Dahil mayaman ang oatmeal sa carbohydrates, makakapagbigay ito ng mas maraming enerhiya sa ating katawan at magiging busog ka sa mas mahabang oras.
5. Nakakapagpabawas ng timbang
Nakakatulong ang pagkain ng oatmeal araw araw na mapabilis ang metabolismo ng katawan na pwedeng magdulot ng weight loss. Pinipigilan rin nito ang pagkagutom ng madalas at pag-accumulate ng fats sa ating katawan.
7. Pampababa ng kolesterol
Ito ay may taglay na fiber na tinatawag na beta-glucan, na nakakatulong magpababa ng kolesterol. Kaya kung ikaw ay may problema sa puso, mainam na isama sa inyong diet ang pagkain ng oatmeal araw araw.
8. Pangiwas sa mga digestive problems
Ang oats ay sagana sa fiber na esensyal sa ating mga bituka. Nakakatulong rin ang mga fibers na ito na imaintain ang tamang paggana ng ating mga intestines o bituka upang maiwasan ang constipation.
Comments
Post a Comment