Ano nga ba ang LEPTOSPIROSIS?
Kapag panahon ng tag-ulan, nauuso ang mga medical cases ng Leptospirosis. Ito ay isang uri ng bacterial infection na nakukuha mula sa ihi ng mga daga. Ang s@kit na ito ay karaniwan sa mga tao at pati na rin sa mga hayop partikular sa mga aso.
Paano ba ito nakukuha?
Ang bakterya na nagdudulot ng leptospirosis ay tinatawag na leptospira. Ito ay maaaring kumalat kapag nagkaroon ng direct contact sa ihi ng infected animal o sa contaminated water, lupa, o pagkain. Ang bakterya na ito ay may kakayahang mabuhay sa lupa o tubig ng ilang buwan. At mas madali tong makapasok sa ating katawan kung ikaw ay mayroong open wound o sugat.
Sintomas ng leptospirosis na dapat mong malaman:
Ang mga sintomas ng leptospirosis ay napagkakamalang sintomas ng flu kay naman ito ay napagkakamalang ibang s@kit. Posible rin na wala itong pinapakitang sintomas ngunit ikaw ay infected. Narito ang mga sintomas na dapat mong isaalang-alang:
- Mataas na lagnat
- Chills/ Panginginig
- Pananakit ng ulo at kasu-kasuan
- Jaundice o paninilaw ng balat
- Pamumula ng mata
- Diarrhea
- Pananakit ng tiyan
- Pagsusuka
- Rashes
Narito ang mga dapat mong gawin upang makaiwas sa Leptospirosis!
- Umiwas sa pagtapak o paglusong sa baha kung ikaw ay may open wound.
- Kung hindi maiiwasan ang lumusong sa baha, siguraduhing hugasan ng sabon at tubig ang iyong paa/ katawan pati na rin ang sinuot na sapatos kapag nakarating ka sa iyong destinasyon.
- Huwag magbabad sa baha ng mahabang oras dahil mas tumataas ang tiyansa mong magkuha ang bakterya ng leptospirosis
- Magsuot ng mga bota o boots kung lulusong sa baha upang hindi mabasa ang iyong paa
- Iwasang hawakan ang mukha, ilong at bibig kung ikaw ay nabasa sa baha dahil mas madaling matransmit ang bakterya
- Kung ikaw ay mayroong sugat o open wound, siguraduhing palitan ang bandage o dressing nito pagkatapos linisan at madisinfect.
- Kung may nararansan kang sa mga nasabing sintomas ng leptospirosis, agad ikonsulta sa doktor upang agad kang mabigyan ng gamot.
Comments
Post a Comment