Karamihan sa mga mag-asawa ngayon ay madaling na lang maghiwalay at napapawalang bisa ang kanilang kasal. At ito rin ang nagiging dahilan kung bakit karamihan sa mga pamilya ang nasisira at nagiging broken family.
Upang maiwasan ang pangyayaring ito, dapat ay malaman ninyong mag-asawa kung paano ninyo mapapatatag ang inyong marriage o relasyon sa isa't isa. Narito at alamin ang mga paraan kung papaano!
1. Mag-share ng parehong interest
Lahat tayo ay magkakaiba kahit ang mag-asawa. May kanya-kanya tayong gusto at hindi gusto. Ngunit alalahanin ninyo kaya kayo humantong sa pagpapakasal ay dahil compatible kayo sa isa't isa at may mga bagay kayo na napagkakasunduan. Halimbawa ay kung pareho kayong mahilig magtravel, manuod ng paborito niyong movies/music, etc. Muli itong buhayin.
2. I-encourage ang isa't isa
Kahit sa panahon na kayo ay may problema, alamin kung paano ma-comfort ang iyong partner. Matuto kang makinig at magbigay ng payo upang mas lalong gumaan ang kanyang dinaramdam. At kung may gusto man siyang gawin na ikakabuti para sa kanyang sarili at para sa pamilya, suportahan siya.
3. Laging magkaroon ng komunikasyon
Ang komunikasyon ay hindi dapat nawawala sa isang relasyon. Kailangan ninyong ibahagi sa isa't isa ang inyong mga saloobin, desisyon, atbp. Huwag mawalan ng oras para pagusapan ang mga problema. Ang mabuting komunikasyon ang paraan upang magkaintindihan at magkaunawaan,
4. Magkaroon ng oras para lang sa inyong dalawa
Kahit ilang taon na kayong kasal, dapat ay magkaroon pa rin kayo ng oras para sa inyong dalawa lang. Maaaring magset-up kayo ng date, manuod ng sine, magbakasyon, at iba pang mga bagay na maaari ninyong gawin kayong dalawa.
5. Resolbahin ang problema
Hindi mawawala ng disagreements o hindi pagkakasundo sa ibang bagay. Ito ay normal sa buhay mag-asawa. Ngunit huwag na itong palakihin, pagusapan ng mabuti upang ito ay agad maresolbahan.
6. Iwasan ang kumpitensya sa inyong dalawa
Bilang mag-asawa, dapat ang iyong partner ang iyong katuwang sa buhay. Ika nga, "Work as a team." Harapin ang mga pagsubok sa inyong buhay bilang isang team, kaysa sa kinukumpitensya mo ang iyong asawa kung sino ang mag matatag sa pagharap sa mga pagsubok na ito
Comments
Post a Comment