
Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.
Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog.
1. Sniff Test
Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin.
Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad.
2. Itapat sa tenga at alugin
Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itlog, ang moisture sa loob nito ay lumalabas sa shell kaya ang egg yolk at egg white ay lumiliit at nagkakaroon air space sa loob. At kapag inalog ito, mayroong napo-produce na tunog kaya huwag na itong lutuin at kainin.
3. Ibabad sa isang bowl/ basong may tubig
Narito ang pinakasiguradong paraan upang ma-identify alin ang fresh at lumang itlog. Punuin ng malamig na tubig ang isang glass bowl, maaari ring gamitin ang isang basong may tubig. Dahil nga kapag ang isang itlog ay naluluma, nagkakaroon ng air space sa loob nito at ito ang dahilan kaya lulutang ito.
- Kung ang itlog ay nanatilo sa ibaba ng tubig, ito ay bago at fresh na fresh pa
- Kung umangat ng kaunti ang kabilang dulog ng itlog ngunit nanatili ang kabilang dulo sa ilalim ng tubig, ito ay nagsisimula ng maluma ngunit safe pa rin namang kainin
- Kung ang itlog ay lumutang na sa ibabaw ng tubig, ito ay luma na.
Ok i'l try that dhil nung saturday bngyan kmi ng 1tray na eggs thanks for the info very good to know that kind of info.thanks for sharing Godbless u.
ReplyDeleteSalamat sa info.
ReplyDeleteNapaano king 1 tray ang nababili ko
Delete