Skip to main content

Pitong Mabisang Gamit Ng Virgin Coconut Oil Bilang Pampaganda!


Ang bawat babae ay ninanais na magmukhang fresh, bata, at kaakit-akit. Kaya naman kung anu-anong produkto ang atin sinusubukan upang mapaganda lang ang ating katawan at mukha.

Ngunit kung minsan ay napapagastos na sila ng mahal sa pagbili ng mga beauty products na ito at sa bandang uli ay hindi naman pala ito epektibo. Kaya narito at ibabahagi namin sa inyo ang napakasimpleng trick na ito, gamit ang virgin coconut oil bilang pampaganda!

1. Pang-moisturize at pampakinis ng balat

May ilan sa atin na mayroong mga sensitibong balat. At upang mapanatili itong hydrated at healthy, kailangan mo itong imoisturize upang hindi ito manuyo. Ipahid lamang ang coconut oil sa iyong balat bago matulog at iwanan buong magdamag. Mamamangha ka sa magiging resulta nito.

2. Panlunas sa varicose veins

Kung ang iyong mga paa ay nagkakaroon ng varicose veins, ang pagpahid ng warm coconut oil dalawang beses sa isang araw at pagmasahe ng dahan dahan ay makakatulong upang umayos ang daloy ng dugo at upang hindi mamaga ng sobra ang mga ugat.

3. Pampahaba ng pilik mata

Pinapangarap ng bawat babae ang magkaroon ng mahabang pilik mata. Maaaring gamitin ang coconut oil para dito. Iapply lamang ito sa iyong mga pilik mata gamit ang cotton buds bago matulog. Nakakatulong ito na maiwasan ang paglalagas at pagpuputol ng iyong mga pilik mata.

4. Pampakinis sa inahit na buhok

Kung wala kang magamit na shaving cream, pwedeng gamitng ang coconut oil. Bukod sa mura na ay mas safe pa dahil makakasiguro kang walang halong matapang na kemikal. Magiging makinis pa ang iyong inahit na buhok sa katawan.

5. Pantanggal ng make up

Kung nais mong malinis ng maigi ang iyong mukha dahi sa make-up, maaari mong gamitin ang coconut oil. Magpatak lamang sa bulak at ipahid sa mukha upang matanggal ang dumi.

6. Para sa dry lips

Kailangan mong imoisturize ang iyong mga labi upang maiwasan ang pagda-dry at pagbibitak-bitak nito. Magpahid lamang ng coconut oil sa iyong mga labi at gawin parang lip balm.

7. Pantanggal ng mga balakubak

Iapply lamang ang coconut oil sa iyong anit upang humiwalay ang balakubak dito. Pagkatapos ay maaari mo na iyong suyurin.

Bukod sa mura ang coconut oil, ay nakapa-safe pa nitong gamitin dahil ito ay natural at walang halong kemikal.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…