Skip to main content

Siyam na Maagang Senyales na Buntis ang Isang Babae






Karamihan sa mga babae ay hindi agad malaman ang senyales ng maagang pagbubuntis. Kaya ibabahagi namin sa artikulong ito ang mga siyam na karaniwang senyales na ma walong senyales na buntis ang isang babae.

Narito ang mga senyales na dapat mong malaman at pagtuunan ng pansin:


1. Ang paglaki ng iyong dibdib

Ang iba ay nag babago sa laki at nagiging sensitibo pagdating sa ikalawang yugto ng menstrual period. Dahil ito sa progesterone na matatagpuan pagkatapos ng pakikipagt***k. Ang ganitong sintomas ay mas malakas bago mag mens, kaya ito ay isang kontribusyon ng maagang senyales na pagbubuntis.

2. Pakiramdam na pagod, nanghihina, at nahihilo

Ang ganitong senyales ay kapareho ng acute respiratory inf*ction. Kung madalas kayong mapagod ng walang dahalin maaaring maging senyales ito na nagdadalang tao ang isang babae. 






3. Pagsususka

Nangyayari ito madalas sa umaga kapag wala pang laman ang tiyan at nagsisimula ito sa pinakaunang stage ng pagbubuntis. Subalit hindi lahat ng buntis ay makakaranas ng pagsusuka sa umaga.


4. Ang pagbabago ng panlasa at sensitibo sa mga amoy

Isa itong pangkaraniwang senyales na buntis ang isang babae. Kung napapansin niyo na kayo ay nagiging sensitibo sa iba't ibang amoy at kung madalas magbago ang inyong panlasa, isa itong sintomas ng maagang pagbubuntis.


5. Ang pagdudugo

Ang ganitong sintomas ay nagyayari kadalasan ng 10-14 na araw pagtapos ng pagtat***k, ang ganitong kulay ay hindi maitim pula gaya ng iyong period pero ito ay kulay light pink o kaya naman dark brown. Tumatagal ang pagdurugo ng isa hanggang dalawang oras. Kapag naranasan niyo ito, mas mabuti na ang magpakonsulta sa inyong doktor.


6. Ang pagsakit ng puson at ibaba ng likod

Kung may kakaibang pananakit ng iyong puson at likod, isa itong pwedeng dahilan ng pagbubuntis. Madalas sa mga buntis ay ang pananakit ng lower back dahil na rin sa dinadalang bata sa sinapupunan.


7. Pagtaas ng temperatura sa katawan

Kung ang temperatura ay tumataas hanggang 98.6 F o kaya naman mas mataas pa, at hindi ito bumababa maaaring kayo ay nagdadalang tao at dahilan ito ng progesterone na natitira.





8. Ang palaging pag-ihi

Mahahalata mo na lamang na palagi kang pumupunta ng banyo para umihi. Nangyayari ito dahil sa progesterone sa katawan.


9. Nahuli ang iyong buwan ng dalaw

Kapag napansin na ang ganitong pagkakataon na senyales, maaaring ito na ang sintomas ng maagang pagbubuntis. At para malaman nga talaga ang sitwasyon ay mas mainam na mag patingin agad sa doktor o kaya naman ay gumamit ng pregnancy test upang makasiguro.

Tandaan na ang mga ilang senyales na nabanggit sa itaas ay hindi lahat maaaring mangyari sa lahat ng babae na nagbubuntis, mas mainam parin na magpakonsulta sa inyong doktor upang malaman kung kayo ay buntis.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…