Ang pagkakaroon ng tigyawat ay normal. Ito resulta ng pagkakaroon ng excess oil na nababara sa ating mga pores. Isang kadahilanan na rin nito ay dahil sa dumi na naiipon mukha at hindi ito natatanggal kaagad.
Ang pagdami ng tigyawat sa mukha o tinatawag rin na acne ay maaaring resulta naman ng pagbabago ng hormones sa katawan tulad na lang ng menstruation, mga taong nasa kanilang puberty stage, at mga nagbubuntis.
Narito ang mga paraan na pwede mong subukan upang maiwasan at matanggal ang iyong mga tigyawat ng hindi gumagastos ng mahal para sa mga gamot!
1. Linisin ang mukha gamit ang mild soap
Marapat lang na sa pagkatapos ng araw ay linisin ang anumang make-up at dumi sa iyong mukha gamit ang mild soap at tubig. Maaaring gumamit ng gentle face scrub paminsan-minsan upang matanggal ang mga de@d skin cells. Iwasan ang paggamit ng matatapang na sabon dahil maaari itong makairritate lalo sa iyong mukha at tigyawat.
2. Mag-apply ng green tea face pack
Magbukas ng dalawang nagamit na na green tea teabags at kunin ang nasa loob nito. Haluan ito ng kaunting lemon juice. Ipahid ito sa mukha lalo na sa mga parte kung saan ka madalas tinutubuan ng tigyawat. Nakakatulong ang green tea na maiwasan ang pagiging oily ng mukha at malabanan ang acne causing bacteria.
3. Pahiran ng eucalyptus oil ang mukha
Ang essential oil na ito ay mabisa sa pagbabawas ng produksyon ng pore clogging sebum na nagdudulot ng acneo tigyawat. Maaaring idampi ang oil na ito sa iyong mga tigyawat ngunit sa ilan na may sensitibong balat, hinahalo ang 3-4 patak ng eucalyptus oil sa kalahating tasa na may tubig at ginagawang pampahid sa mukha.
4. Lemon juice
Bukod sa antibacterial at astringent properties ng lemon juice, mabisa rin itong pangkontrol sa oily skin. Idampi lang ang lemon juice sa iyong mga tigyawat at iwanan sa loob ng 30 minuto. Ang iyong mga tigyawat ay kaagad na matutuyo. Itigil ang prosesong ito kung nagiging mahapdi sa pakiramdam.
5. Gumawa ng avocado face pack
Gamit ang kalahting avocado, i-mash ang laman ito hanggang maging parang paste. Maaari itong iapply direkta sa iyong mukha at gawing face mask. Nagtataglay ang prutas na ito ng enzyme na nakakapagpabawas sa pagkakaroon ng tigyawat.
Comments
Post a Comment