Skip to main content

Tatlong Iba't ibang Paraan kung Paano Lutuin ang Masustansyang Asparagus!




Sa nakaraang artikulo ay naihayag natin ang mga makukuhang benepisyo sa pag-kain ng asparagus at kung gaano ito kaganda sa ating kalusugan. Ngayon, tatalakayin natin kung ano ang mga iba't ibang lutuin na maaaring gawin rito at kung ano ang mga proseso na kailangan niyong malaman.
Narito kung ano ang mga iba't ibang luto ng Asparagus:

1. Sauteed Asparagus with fried garlic top


Sangkap:
• 1 buwig ng Asparagus • 3 kutsarang mantikilya o margarine • 2 butil ng bawang na nahati-hati • 3 butil ng fried garlic
Paano Lutuin:

Una, Ilagay at tunawin ang mantikilya o margarine sa kawali

Pangalawa, Ilagay ang bawang at asparagus, takpan at Lutuin ng 3 minuto

Pangatlo, Kapag ang asparagus ay nagkulay bright green, hinaan ang iyong apoy at             lutuin muli ng 3-5 minuto

Pang-apat, Kapag gusto mo na ang lambot o lutong nito maaari mo nang ilipat sa plato o lalagyanan na gagamitin

Pang-lima, Kapag nailipat na sa plato, ilagay ang fried garlic sa ibabaw nang sauteed asparagus at maaari na itong kainin



2. Asparagus rolls with ham and cheese


Sangkap:
• 10 pcs. Lumpia wrapper or egg wrapper • 1 buwig ng asparagus, na napakuluan ng 1-2 minuto. • 1 ham at hati-hatiin. • 1 cheese at hati-hatiin ng pahaba • Asin at Paminta • 3 kutsarang mantika
Paano Lutuin:
• Una, Ilagay sa plato ang Lumpia wrapper o egg wrapper, ipatong ang ham, asparagus, at cheese
• Pangalawa, lagyan ng asin, paminta at iroll
• Pangatlo, Ulit-ulitin hanggang maibalot lahat o mairoll ang lahat ng sangkap na inihanda
• Pang-apat, Iprito ang ginawang asparagus rolls with ham and cheese ng 3-5 minuto hanggang magkulay brown ang wrapper , magmelt ang cheese at maluto ang ham
• Pang-lima, kapag naluto na maaari na itong ihapag at kainin.

3. Asparagus and Egg with cheese


Sangkap:
• 10pcs. asparagus • 1-2 kutsarang mantika o mantikilya • Asin • 4 itlog • 1 cheese, slice • Paminta
Paano Lutuin:
• Una, Painitin ang kawali at lagyan ng mantika o mantikilya
• Pangalawa, Ilagay ang asparagus at asin, Lutuin ng 2 minuto
• Pangatlo, Kapag malutong na ang asparagus o malambot. Ilagay ang itlog sa itaas ng asparagus at idagdag ang cheese
• Pang-apat, Hinaan ang apoy at Lutuin ng 3-5 minuto. Kapag luto na ang itlog at nagmelt na ang cheese ilagay ito sa plato
• Pang-lima, kapag nailagay na sa plato budburin ito ng paminta ayon sa dami na gusto. Maaari na itong ihapag at kainin.



Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-