Ginagawa ng karamihan ang paggamit ng mga gadgets tulad ng cellphone tuwing gabi habang nakahiga sa kani-kanilang pagtulugan. Ito ang nakikitang magandang oportunidad ng karamihan habang nirerelax ang katawan sa maghapon na gawain.
Madalas nating gamitin ang mga gadgets natin tuwing tayo ay nakahiga. Karaniwan na tumatagal tayo ng 2-3 oras na paggamit ng gadgets sa pakikipagkomunikasyon, paglalaro, pagtratrabaho, pagtingin ng mga emails bago tayo matulog sa gabi. Ngunit sa gawaing ito ay alam mo ba na hindi ito maganda sa kalusugan dahil maaari itong maging sanhi ng mga kondisyon o karamdaman.
Narito ang tatlong mga rason kung bakit masama ang paggamit ng smartphone sa gabi:
1. Makakaapekto sa iyong mata
Ang paggamit ng smartphone o iba pang gadgets tuwing gabi ay maaaring makasira sa iyong mga mata. Ang blue light na nanggaling sa ating mga gadgets ay parte ito ng full light spectrum na pwede nating makuha o pwede tayong maexpose dito.
Ayon sa pagaaral ang direktang pagkaexpose sa blue light ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng retina sa ating mata. Ang pagkasira ng retina sa ating mata sanhi ng blue light ay magdudulot ng macular degeneration o ang panlalabo o pagkawala ng pangingin.
2. Kawalan ng Tulog
Ang paggamit ng gadgets tuwing gabi ay nagdudulot ng pagkasira ng pagtulog o hindi makatulog. Ang blue light ay sumisira o umaantala sa produksyon ng melatonin na siyang umaayos sa ating katawan sa tamang oras ng pagtulog. Ang blue light ay hindi lamang magdudulot ng kawalan ng tulog o pagkasira ng pagtulog dahil maaari rin itong maging sanhi ng heart problems na nagdudulot ng pagkakaroon ng s4kit sa puso, weight gain, depresyon at anxiety.
Ang Melatonin ay isang makapangyarihang antioxidant na mahalaga sa iyong katawan upang magkaroon ng kakayahang labanan ang sakit na k*nser. Kung ang melatonin level ay humigit pa o kumulang ay maaaring dapuan tayo ng s4kit at iba pang karamdaman. Ang paggamit ng mga gadgets tuwing gabi o bago matulog ay maaaring malalapit sa mga iba’t bang uri ng karamdaman at s4kit gaya ng k*nser.
Comments
Post a Comment