
Kasama ba sa inyong pang-araw araw na ritwal na paglilinis ng mukha ang inyong leeg? Madalas na pinapanatili nating malinis ang atin mukha ngunit ang leeg naman ay ating nakakalimutang linisin. Kapag ito ay hindi nalilinis ng mabuti, maaaring maiipon ang dumi at mangingitim ito sa katagalan.
At kung problema mo na ang pagkakaroon ng maitim na leeg, subukan ang apat na natural na paraang itong upang mapaputi ang iyong leeg at batok.
Mga Rason Kung Bakit Umiitim Ang Iyong Leeg:
- Pagkakaexpose sa araw ng matagal
- Kemikal sa mga cosmetics at skin care products
- Hormonal imbalance
- Obesity
- Diabetes
Mga Paraan Paano Mapapaputi Ang Leeg:
1. Aloe Vera
Ang gel ng aloe vera ay may properties na kayang magpaputi ng balat kaya safe itong gamitin at hindi ito matapang sa balat.
Paraan paano gamitin:
- Iextract ang gel ng fresh na dahon ng aloe vera at ilagay sa isang malinis na lalagyan
- Iapply ng direktang ang gel sa maitim na batok o leeg
- Imassage ito ng dahan dahan at iwanan sa loob ng 20 minuto
- Banlawan
- Ulitin ang proseso araw-araw
2. Lemon Juice
Ang katas ng lemon na nagtataglay ng citric acid ay ginagamit bilang isang natural astringent at epektibong pampaputi. Ngunit dahan dahan lamang sa paggamit nito dahil maaaring maiiritate ang iyong balat kung ito ay sensitibo.
Paraan paano gamitin:
- Magpiga ng kalahating lemon at kunin ang katas nito
- Gamit ang cotton ball, ibabad ito sa lemon juice
- Gawing pampahid ito sa iyong maitim na leeg
- Hayaang nakababad sa iyong leeg sa loob ng 10-15 minuto bago banlawan
Paalala: Kung mahapdi at hindi komportable ang paglalagay nito sa iyong balat. Itigil ito kaagaad dahil baka mas lalong mairitate ang iyong balat.
3. Pipino
Isa rin sa mga mild at natural na paraan upang pumuti ang maitim na leeg ay ang paglalagay ng pipino. Kung kaya nitong tanggalin ang iyong mga dark circles sa iyong mata, tumutulong din itong magpantay ng kulay sa balat ng leeg, kakailanganin lang ang mahabang pasensya.
Paraan paano gamitin:
- Maghiwa ng pipino at ilagay sa parte ng leeg na maitim
- Iwanan sa loob ng 10-15 minuto
- Ipanghilod ang pipino sa maitim na parte
- O maaari rin namang gamitin ang katas ng pipino at ipampahid sa leeg na gustong pumuti
4. Baking Soda
Ang baking soda ay nakakatulong upang alisin ang mga namumuong d3ad skin cells sa iyong leeg at maiwasan ang lalong pag-itim nito.
Paraan paano gamitin:
- Maghalo ng 2-3 kutsarang baking soda sa kaparehong amount ng tubig
- Ipahid ang baking soda iyong iyong leeg at iwanan sa loob ng 10-15 minuto
- Maaaring iscrub ng pakonti konti ang iyong leeg gamit ang baking soda
- Banlawan ng tubig
Comments
Post a Comment