
Ang ating balat ang itinuring na "largest organ of the body" dahil ito ang bumabalot sa ating buong katawan. Ito rin ang pangunahing depensa labat sa iba't ibang elemento sa kapaligiran gaya ng polusyon, mikrobyo, at sikat ng araw.
Kung hindi natin pinangalagaan ng mabuti ang ating balat, ito ay magdudulot ng maaga pagtanda at madaling pagkasira. At ang pinakaiiwasan natin ay ang magkaroon ng iba't ibang kondisyon sa balat gaya ng acne, kulugo, rashes, skin inf*ctions, at ang malalang skin c****r.
Kaya kung nais mong mapanatiling healthy ang iyong balat ay dapat isaalang-alang ang mga importanteng nutrisyong ito:
1. Antioxidants
Upang malabanan ng katawan ang mga mapanirang free radicals sa kapaligiran ay kailangan nito ng antioxidants. Ito ang mahalagang substansya na tumutulong upang maiwasan ang maagang pagtanda ng balat at posibilidad na magkaroon c****r sa balat. Maraming mga pagkain na mapagkukuhanan ng natural antioxidants gaya ng oranges, broccoli, spinach, strawberries, at mga maberdeng gulay.
2. Vitamin C
Ang vitamin C ang importanteng bitaminang nagpapalakas sa immunity o resistensya ng katawan laban sa mga sak!t at responsable sa pagpapanatili ng elastisidad ng balat. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga prutas at gulay gaya ng papaya, lemon, oranges, dalandan, malunggay, at iba pa.
3. Vitamin E
Isa pang bitaminang kailangan ng iyong balat ay ang vitamin E. Ito ay isa ring mabisang antioxidant na nakakatulong maprotektahan ang iyong mga cells laban sa pagkasira. Mayroong mga nabibiling vitamin E capsules sa mga botika at maaari rin itong makuha sa pagkain gaya ng mani, avocado, isda, brocolli, at maberdeng gulay.
4. Selenium
Ang selenium ay isa ring esensyal na mineral na kailangan ng iyong balat upang mapanatili ang elasticity at flexibility nito. May kakayahan itong ineutralize ang mga skin damaging compounds bago pa ito maging wrinkles. Gaya ng vitamin E tumutulong din itong protektahan ang iyong mga cells. Maaaring makuha ito sa pagkain ng mani, hipon, talaba, salmon at tuna.
5. Tubig
Ito ang napakasimpleng paraan upang mapanatiling healthy at hydrated ang iyong balat sa lahat ng oras, ang paginom ng sapat na tubig araw-araw. Hindi lang ito importante sa iyong balat ngunit sa buong katawan. Nakakatulong ang tubig upang mapabilis mailabas ang mga nakakalasong substansya sa katawan. Kaya ugaliing uminom ng 8-10 basong tubig kada araw upang ma-achieve ang malusog na balat.
Comments
Post a Comment