Karamihan sa atin ay nagnanais na magkaroon ng slim na tiyan. Sinasabi na ehersisyo at tamang diet lamang ang kailangan upang ma-achieve ito, ngunit mayroon din namang inumin na nakakatulong din sa pagpapawala ng iyong bilbil sa tiyan.
Kung isa ka sa mga taong health conscious at gustong matanggal ang sobrang taba sa iyong katawan, narito ang mga healthy na inumin na maaari mong subukan.
1. Green Tea
Ang green tea ay tumutulong upang linisin ang toxins sa katawan at nakakapagpabawas din ng timbang. Mayaman ito sa antioxidants at nagtataglay ng caffeine na nakakatulong upang maboost ang energy levels upang mapabilis ang metabolismo.
2. Black Coffee
Ang kape ay nagtataglay ng caffeine, isang substance na nagsisilbing stimulant sa katawan at nakakapagpabilis ng metabolismo para sa weight loss. Ngunit iwasan lamang ang creamer at asukal upang hindi lalong madagdagan ang iyong bilbil. Iwasan din ang sobrang paginom nito dahil maaaring makaapekto sa iyong pagtulog.
3. Luya o Ginger Tea
Ang tsaa na gawa sa luya ay hindi lang panggamot sa makataing lalamunan, benepisyal din ito sa pagpapabawas ng timbang. Dahil ang ginger tea ay nakakatulong upang mabawasan ang appetite at nakakapagsunog ng calories sa katawan.
4. Pineapple Smoothie
Ang pinya ay mayaman sa vitamin C, fiber, at bromelain na nakakatulong sa pagpapayat. Upang mas mapadali ang pagdigest nito sa katawan ay maaaring gawin itong smoothie. Magblend lamang ng fresh pineapple at samahan ng 1 saging, 1 kalahating luya. Maaari itong inumin araw-araw.
5. Tubig
Kung nais mo talagang mabawasan ang iyong timbang, umiwas sa pag-inom ng mga inuming may artipisyal na asukal at carbonated drinks gaya ng softdrinks. Ang paginom ng sapat na tubig araw-araw ay ang pinakasimple at pinakamurang paraan upang mawala ang bilbil sa iyong tiyan. Dahil pinapanatili kang busog upang hindi mapakain ng sobra at pinapataas ang pagsunog ng calories sa iyong katawan.
Comments
Post a Comment