Mahirap ang magkaroon ng sakit sa balat. Hindi lamang ito nakakaapekto sa iyong kumpyansa sa sarili, ito rin ay magastos dahil sa mga gamot na ipinapahid at nakakairita. Ang impeksyon na dulot ng fungi ang isa mga karaniwang kondisyon sa balat na nararanasan ng tao mapa bata man o matanda.
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit ay nagdudulot ng sobra kati, hapdi, pagsusugat, at hindi komportableng pakiramdam. Narito at alamin iba't ibang kondisyon sa balat na dulot ng fungi.
1. Hadhad
Ang hadhad o jock itch ay isang napakakating impeksyon na karaniwang makikita sa mga singit ng hita, puwet, o sa paligid ng iyong private part. Ito ay nakakahawa lalo na kung madidikit sa apektadong balat o ginamit ang bagay na nadikitan ng fungi. Maaari itong magamot gamit ang mga anti-fungal creams ngunit mas makakabuti kung ikonsulta muna ito sa iyong dermatologist.
2. Alipunga o athlete's foot
Ito ay isang impeksyon sa balat ng paa. Ang alipunga o athlete's foot kung tawagin ay nagdudulot ng matinding pangangati, pamumula, pagsusugat, at pamamalat ng balat sa paa lalo na sa pagitan ng mga daliri. Nakukuha ang fungi sa pagsuot ng maduming sapatos na ginamit ng taong may alipunga at sa poor hygiene. Minsan ito rin ay nagdudulot ng pagbaho ng paa.
3. An-an
Ang an-an ay dulot ng isang uri ng fungi na kung tawagin ay Malassezia furfur. Ito ay isang natural na fungi na naninirahan sa ating balat, ngunit nagkakaroon ng overgrowth nito ay nauuwi sa pagkakaroon ng mga puting patse-patse sa balat. Hindi ito nakakahawa ngunit kumakalat at lumalawak ang sakop nito sa balat.
4. Buni
Ang buni o ringworm ay ang mga bilog na patse na makikita sa alin mang bahagi ng katawan. Ito ay nagdudulot ng pamumula at sobrang pangangati ng balat na lumalaki ang lawak ng bilog habang tumatagal. Ito ay nakakahawa kung madidikit sa balat na apektado nito.
5. Candidiasis
Ang candidiasis ay isang uri ng fungal infection na dulot ng fungi na Candida albicans na maaaring makaapekto sa balat, kuko, paligid at loob ng bibig, dila, maging sa ari ng babae at lalaki. Ang mga organismong ito ay natural na namumuhay sa ating katawan ngunit kung ito ay nagkaroon ng overgrowth o hindi nakontrol ang pagdami ay nagdudulot ng matinding pangangati, pamumula, pamamalat, pangangaliskis ng apektadong parte ng katawan.
Salamat po, at nalaman ko rin kung ano itong HADHAD...hahah.....pero pwede po bang magkaroon ng buni habang may hadhad sa isang parte lang ng katawan?
ReplyDelete