Ang ating appendix ay ang maliit at manipis na tube-shaped structure na matatagpuan konektado sa ating large intestine partikular sa kanang ibabang bahagi (lower right) nang ating abdominal area. Ang totoong function ng appendix ay hindi tiyak. Ngunit ayon sa mga medical experts, ito day ay isang storehouse para sa mga good bacteria.
Kapag ito ay nagkaroon ng inflammation na possibleng dulot ng pagbara ng dumi, bulate, at kung ano pang foreign body, ito ay ang kondisyong tinatawag na appendicitis. Gayunpaman, possible na mabuhay normal at healthy kahit wala ito.
Narito ang mga senyales na maaaring magsabi na possibleng apektado ang iyong appendix o mayroon kang APPENDICITIS:
1. Pagsakit ng tiyan
Ang appendicits ay karaniwang nagsisimula sa pagsakit sa gitna ng iyong tiyan malapit sa iyong pusod. Makalipas ang ilang oras, ito ay malilipat papunta sa lower right side ng iyong tiyan. Lumalala ang pagsakit nito kapag ikaw ay gumalaw o umubo.
2. Lagnat / fever
Ang implamasyon sa iyong appendix ay maaaring samahan ng paglagnat, chills at panginginig. At kung matindi na ang iyong nararanasang sakit, dapat ay pumunta na sa hospital dahil possibleng magrupture o pumutok ang iyong appendix kung hindi ito agad naagapan.
3. Pagduduwal at pagsusuka
Kapag naapektuhan ang iyong appendix, maaaring ilang araw ka na walang ganang kumain at makakaranas ng kaonting pagduduwal at pagsusuka na magkahalintulad sa sintomas ng food poisoning o stomach flu. Kung patuloy mo itong nararanas sa loob ng 12 oras, kumonsulta na agad sa doktor.
4. Pagbabago sa iyong pagdumi
Ang mga taong nakakaranas ng acute appendicitis ay maaaring makaranas din ng constipation o diarrhea. At kung ang iyong ibabang kanang bahagi ng tiyan ay patuloy na sumasakit, maaari dahil ito sa appendicitis.
5. Gas at bloating
Ang pamamaga ng iyong appendix ay maaaring barahin ang iyong dumi kaya magkakaroon ka ng problema sa paglabas ng utot at magdulot ng paglobo ng iyong tiyan o bloating.
6. Rebound tenderness
Ang rebound tenderness ay kapag idiniin mo ang iyong lower right part ng iyong tiyan at kapag binitawan ang pressure ay nakakaranas ka ng pananakit. Kapag naeexperience mo ito, huwag ng ulitin ang proseso dahil maaaring pumutok ang iyong appendix, sa halip ay pumunta na sa iyong doktor.
Comments
Post a Comment