
Ayon nga sa kasabihan, walang taong perpekto. Ngunit ang pag-uugali ng isang tao ang siyang makakapagsabi kung siya ba ay mabuti o masama at ito ay maaari mong mabago.
Sa katunayan, may mga pag-uugali tayo na hindi natin minsan namamalayan na nakakasira na pala sa ating pagkatao dahil ito ay negatibo. Ngunit hanggat maaari, iwasan ang mga ito dahil hindi lang ito nakakasakit sa kapwa kundi pati na rin sa pagtingin ng ibang tao sayo.
Narito at alamin ang mga ugaling ito!
1. Pag-iisip ng negatibo
Kung ang iyong pag-iisip ay palaging negatibo, maraming tiyansa na ang mangyayari nga ay negatibo rin, at hindi ito isang magandang pag-uugali. Dahil nililimitahan nito ang pagkakataon sa mga maganda at positibong bagay na mangyari.
Iwasan na pangunahan ng negatibong pag-iisip ang alin mang bagay at maging positive ka nalang.
2. Pagtatanim ng galit o sama ng loob
Kahit saang relasyon, hindi maganda ang magtanim ng galit o sama ng loob sa iyong kapwa. Dahil ang pag-uugaling ito ay maaaring makasira rin sa iyong pagkatao. Kapag ikaw ay mapagtanim ng galit, ang tiyansa na kapag sumabog ang iyong emosyon ay masama at hindi maganda ang iyong masasabi.
Upang maiwasan ang ganitong pag-uugali, idaan sa mabuting usapan ang pinag-awayan at huwag pangunahin ng galit.
3. Pagiging madamot o sakim
Napakasakit marinig sa ibang tao kapag sinabihan kang madamot lalo na kung ang tinutukoy ay tungkol sa materyal na bagay. Kaya nga kahit bata pa lamang ay tinuturuan na maging magpagbigay at huwag maging madamot. Alalahanin mo rin, na ang mga materyal na bagay sa mundong ito ay hindi mo madadala sa hu kay.
4. Madalas na mainggit sa kapwa
Kung anong meron ka ay dapat mong ipagpasalamat at huwag ikumpara sa kung anong meron ang iyong kapwa. Kadalasan ang pagiging mainggitin ay hindi napapansin. Ito ay dahil sa kagustuhan nating maging angat sa iba. Ngunit ito ay nakakasama lalo na kung ang pagkainggit ay ginagamitan mo ng paninira ng iba upang ikaw ay umangat.
5. Paninira ng iba
Ang paninirang puri sa ibang tao ay maaaring kasama na rin ng pagkainggit. Ito ay nakakasira ng tingin ng ibang tao sa kapwa na iyong sinisiraan.
6. Pagiging walang pakialam sa iba
Bilang isang tao, mahirap man o mayaman, tayo ay kune-kunektado sa bawat isa. Isipin mo na hindi ka mabubuhay ng mag-isa sa mundong ito. Kailangan natin ang bawat isa. Kaya iwasang talikuran ang ibang tao lalo na kung ikaw ay kanyang kailangan. Dahil hindi mo masasabi na baka isang araw ay kakailanganin mo rin siya.
Comments
Post a Comment