
Ang pinya ay isa sa mga napakasarap na prutas na matatagpuan dito sa Pilipinas. At bukod sa refreshing at unique nitong lasa ay napakarami pa nitong health benefits sa ating kalusugan. Dahil sagana ito sa fiber at antioxidants, ang pagsama nito sa iyong diet araw-araw ay makapagbibigay ng malaking nutritional value sa katawan.
Kaya narito ang mga benepisyong makukuha mo sa pagkain ng pinya araw-araw!
1. Panlaban sa ubo at sipon
Ito ay siksik sa vitamin C at bromelain, na isang natural anti-inflammatory kaya naman ito ay epektibong treatment para maiwasan ang ubo, sipon, at iba pang respiratory problems. Nakakatulong din itong bawawan ang implamasyon sa nasal cavity at bawasan ang produksyon ng mucus.
2. Nakakatulong sa arthritis
Dahil ito ay mayroong anti-inflammatory effect sa katawan, kaya nitong bawasan ang implamasyon sa mga joints at muscles, partikular na ang arthritis. Kaya kung nakakaranas ng rayuma o arthritis ay dalasan ang pagkain ng pinya.
3. Nakakatulong sa maayos na digestion
Ang pagkain ng fresh pineapple ay nakakatulong upang maiwasan ang mga health conditions gaya ng constipation, diarrhea, bl0od clotting at high blood pressure. Ang fiber na taglay nito ay nakakatulong sa maayos na pagtunaw ng pagkain sa digestive tract. Kaya kung nahihirapan ka ring dumumi ay kumain lamang ng pinya.
4. Pampatibay ng buto
Ang pinya ay nagtataglay ng manganese, isang mineral na nakakatulong sa pagpapatibay ng buto. Ito ang pinakaprominenteng mineral na taglay ng pinya. Ang isang serving ng prutas na ito ay nagtataglay ng 70% daily requirement ng manganese.
5. Pangkontrol ng diabetes
Ito ay nirerekomenda sa mga taong may sak!t ng diabetes. Dahil para sa may mga type 1 diabetes, nakakatulong ito sa pagpababa ng high blood glucose levels. Samantalang sa mayroon type 2 diabetes, nakakapag-improve ito ng blood sugar, insulin, at lipid levels. Ngunit iwasan lang ang sobrang pagkain nito sa isang araw.
6. Pampaganda ng balat
Sa daming taglay nitong antioxidants, nakakatulong ito na labanan ang acne, skin damage, at nakakapagpigil sa maaga pagtanda ng balat. Ang vitamin C na taglay nito ay benepisyal para sa collagen formation upang maging healthy ang balat.
Comments
Post a Comment