
Habang tayo ay tumatanda, humihina ang pag-absorb ng bitamina ang ating katawan. Ayon na mga medical experts, ang nutrient requirement ng isang babae ay nagbabago lalo na kung siya ay tumatanda. At ang mga pagbabagong ito ay mas nakikita kapag siya ay nakatungtong na sa edad na 40 pataas, dahil dito nagsisimula ang menopause ng isang babae.
At upang maiwasan ang anumang deficiency, kailangan ng isang babae ang mga bitamina at mineral na ito para maiwasan din ang iba't ibang health conditions:
1. Calcium
Ang reproductive hormone na estrogen ay bumababa sa mga babaeng may edad na 40 pataas. At sa panahong ito, bumababa rin ang kakayahan ng katawan na mag-absorb ng calcium. At kung ang iyong katawan ay nagkulangan nito, mataas ang tiyansa mong magkaroon ng mga bone issues gaya ng osteoprosis. Kaya ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium gaya ng gatas, maberdeng gulay, beans, at sardines.
2. Vitamin D
Ang bitaminang ito ay kailangan ng katawan upang maabsorb ng mabuti ang calcium. Kailangan din ito para palakasin ang immune system. Ang vitamin D ay makukuha kapag ang iyong katawan ay naeexpose sa araw. Maaari rin itong makuha sa pagkain ng isda gaya ng salmon.
3. Magnesium
Ang mga babaeng nagkukulangan ng magnesium ay kadalasang nakakaranas ng constipation, muscle cramps/pulikat, sak!t ng ulo, at problema sa pagtunaw ng pagkain. Upang maiwasan ito, isama sa iyong diet ang beans, nuts, at green leafy vegetables.
4. Vitamin E
Gusto nating mga babae na kahit tumatanda ang edad ay hindi nahahalata sa mukha. Upang mapanatiling young-looking ang skin, vitamin E ang iyong kailangan. Dahil nakakaprotekta ito sa oxidative damage at nakakapagpabagal ng pagtanda.
5. Iron
Ang iron sa katawan ay nawawala kapag ang isang babae ay nagme-mens ng malakas. Ang isa pang problema ay habang tumatanda ay nagpoproduce ng mas konting acid ang ating tiyan na nakakapagpabawas sa iron absorption. Makukuha ang iron sa pagkain ng karne, itlog, at maberdeng gulay.
6. Vitamin B12
Ang vitamin b12 ay kailangan ng katawan sa paggawa ng red blood cells. Upang maiwasan ang abnormal na produksyon nito, kumain ng isda, karne, keso, at itlog.
7. Vitamin K
Ang bitaminang ito ay esensyal sa blood clotting at pinapanatili ang kalusugan ng iyong puso at buto. Isa sa iyong diet ay pagkain ng beef, broccoli, soybeans at cauliflower.
Comments
Post a Comment