Skip to main content

10 na Pinakamadaling Paraan Upang Ma-Lighten ang Nangingitim na labi






Gusto natin magkaroon ng malambot at pink lips dahil nagagawa nitong mapaganda pa lalo ang ating ngiti. Pero madalas naman na nagkakaroon ng darker lips dahilan ng iba’t ibang uri ng lifestyle tulad ng sobrang exposure sa araw, kakulangan sa tubig, pagsisigarilyo, sobra sa kape at minsan ay allergic sa toothpaste o lipstick.

Ang treatment sa ganitong kaso ay madalas na laser o chemical treatments na gumagamit ng lip hyperpigmentaton na nagproproduce ng melanin na kailangan para magproduce ng pink at soft lips na kinakailangan naman ng malaking halaga.


Sa kabutihang palad marami palang home remedies na makatulong sa paglighten ng medyo nangingitim ng labi. Narito ang ilang halmbawa:




1. Lemon with honey

Maraming nagsasabi na ang Lemon at honey ay maganda pang-moisturize kaya naman nakakatulong itong bawasan ang pangingitim ng labi. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang lemon juice sa honey para matanggal ang pangingitim ng labi. Iwanan ito sa loob ng isang oras sa labi pagkatapos ay tanggalin ito sa pamamagitan ng malambot at basang cloth. Pwede itong gawin ng ilang beses sa isang araw para maalis ang tan at pigmentation. Kung may natira sa mixture ng honey at lemon juice, maaari itong isilid sa isang container upang magamit ng isang linggo basta ilagay lang ito sa refrigerator.


2. Coconut Oil

Gamit ang iyong daliri, kumuha ng konting coconut oil at ilagay sa iyong labi na para lang itong lip balm. Maaari mo itong gamitin ng ilang beses rin sa isang araw at bago matulog sa gabi dahil naglalaman ang coconut oil ng essential fatty acids na nagpapanatili ng malusog at hydrated na lips, na magpapakita sa iyo ng soft at pink na lips na gustong maachieve.

3. Aloe Vera Gel

Ang Aloe Vera ay naglalaman ng compound na makakatulong sa pigmentation process ng balat. Kaya naman isa ito sa sanhi ng pagkakaroon ng lighter lips at pinapasigla rin ang ating balat sa pamamagitan ng nutrients na taglay nito. 


Maglagay ng konting aloe vera gel ang labi hanggang sa ito ay matuyo. Pagkatapos ay banlawan ito sa gamit ang maligamgam na tubig. Gawin ito isang beses sa isang araw para sa magandang resulta.

4. Cucumber juice

Iblend ang cucumber para makagawa ng cucumber juice at iwanan ito sa refrigerator. kKapag ito ay lumamig na, ilublob ang isang cotton ball rito at dahan dahan itong ilagay sa iyong labi. Iwan ito ng 30 minutes at pagkatapos ay tanggalin na gamit ang malamig rin na tubig. Gawin ito araw araw at matapos ang 15 to 20 days mapapansin na ang resulta.



5. Apple Cider Vinegar

Gamit ang isang teaspoon ng apple cider vinegar, tubig at cotton ay matatanggal na ang pigmentation sa labi at maipapakita na rin ang natural na kulay ng lips dahil present ang alpha hydroxyl acids rito na may magandang skincare chemicals. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang apple cider vinegar sa tubig, idampi ito sa iyong labi sa pamamagitan ng bulak at hayaang matuyo sa loob ng 10-12 mintues, at banlawan ito gamit ang lukewarm water. 

Gawin ito isang beses sa isang araw. Siguraduhin lang na hindi masyadong magtatagal ang apple cider vinegar sa labi dahil kapag nasobrahan sa exposure ng acidity ang iyong labi ay pwedeng madamage lalo.

6. Baking Soda

Minsan ang dahilan ng pangingitim ng labi ay ang naipon na d3ad cells at ang baking soda ay nagsisilbing exfoliator at nagtatanggal ng d3ad skin cells na makapagbibigay ng healthy at pink lips. Ang kailangan gamitin sa prosesong ito ay 1 teaspon baking soda, tubig at lip balm or olive oil. Ihalo ang baking soda sa tubig para makagawa ng paste, iapply ito sa iyong labi at imasahe ng circular motion gamit ang iyong fingertip sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto pagkatapos ay banlawan ng mabuti at punasan hanggang matuyo.

Siguraduhin na mag-apply ng lip balm o kaya naman olive oil sa iyong labi kapag natapos na ang proseso.

7. Almond Oil

Kumuha ng isang hanggang dalawang drop ng almond oil at ilagay at imasahe ito sa iyong labi ng isa hanggang dalawang minuto at iwanan sa loob ng isang gabi. Ang paglalagay ng almond oil ay makakatulong sa paglambot at mabalik ang dating kulay dahil may property ito na tumutulong sa paglighten ng labi at bawasan ang discoloration. Gawin ang nasabing proseso gabi-gabi bago matulog.

8. Sugar

Ihalo ang 3 teaspon ng sugar sa 2 teaspon ng butter. Sa loob ng tatlong beses isang linggo, imasahe ito sa iyong labi ng mga tatlo hanggang apat na minuto. Gamitin ang mixture na ito sa pang-moisturize ng iyong labi, dahil tulad ng iyong balat, kailangan rin ma-exfoliate ang iyong labi.

9. Rose water

Ang Rosewater ay pinapanatili ang blood flow sa labi at nagbibigay na rin ng nutrients na kailangan ng lips para magkaroon ng bright color. Para magawa ito kailangan lang ng rosewater at cotton. Ilulob lang ang bulak sa rosewater at ilagay ito sa labi ng ilang beses, Iwan ito sa iyong labi sa gabi para sa mas magandang epekto.

10. Pomegranate juice

Ito ay tinuturing na pinakaepektibong gamitin para sa brown o nangingitim na labi dahil nakakagawa ito ng apat na bagay tulad ng hydration, nourishment, moisturizer at pagbibigay ng pink color sa lips. Ang kailangan lang gawin ay ilapat ito sa labi sa loob ng 30 minutes at ang paggawa nito araw-araw sa loob ng ilang linggo ay nakakalighten ng dark lips agad-agad.



Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-