Kamakailan ay naging viral ang isang post sa social media na naglalaman ng video nang isang driver na may kondisyon na Tourette Syndrome (TS).
Ano nga ba ang Tourette Syndrome?
Ang Tourette Syndrome ay isang problema ng nervous system. Ito ang kondisyon na makikita sa isang tao na hindi mapigilan ang paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan o paguulit-ulit ng kaniyang mga salita o salita na naririnig sa isang tao.
Ang pagkakaroon ng Tourette Syndrome ay mas karaniwan na nangyayari sa mga pagitan ng edad na anim at labing-walo. Mga lalaki ang mas madalas na naaapektuhan ng kondisyong ito kaysa sa mga babae. Ang pagkakaroon ng Tourette Syndrome ay karaniwan sa mga batang may kondisyon na Autism o Asperger syndrome.
Ang Tourette Syndrome ay maaaring hindi magiging isang kondisyon na may iisang dahilan bagkus tulad ng ibang mga sakit na hindi matukoy ay maaring magkaroon ng maraming dahilan.
Mga Sintomas ng Tourette Syndrome:
TICS- ito ang palatandaan na sintomas ng tourette syndrome at ang pangunahing sintomas nang pagkakaroon ng tinatawag na Tourette syndrome.
Ang TICS ay may dalawang klase:
1. Ito ang motor tics na kondisyong, biglaang kusang paggalaw ng bahagi ng mga katawan.
2. Habang sa tunog naman ay ang vocal tics na maaari rin na ulit-ulitin ang mga salitang sinasabi.
Ang tics ay hindi sinasadya. Ito ay karaniwang biglaan, mabilis at paulit-ulit. Lumilitaw at nangyayari ang kondisyong ito sa iba’t ibang anyo. Nagiging mas malala ang kondisyong ito kapag balisa, stress, galit, pagod, at pagtulog. Ilan sa mga taong may Tourette syndrome ay nalalaman o nararamdaman nila ang senyales na mangyayari ang isang tic ngunit maaari nilang mapigilan ang mga maikling tic.
Ang mga tic ay maaaring maging simple o mahirap na unawain.
1. Simple motor tic- Ito ay may kauganayan sa grupo ng kalamnan na hindi malaman na kusang paggalaw. Ang mga halimbawa nito ay ang:
• pagblink ng isang mata
• isang paghaltak ng ulo
• at nang magkabilaang balikat
2. Complex motor tic- Ang mga ito ay gumagamit ng higit pang mga grupo ng kalamnan na kusang paggalaw ng biglaan:
• Ang mukha at katawan ay maaring biglang humarap
• Hahawakan ng isang tao ang isang tao
• Umimik
• Tumatalon
• Pagkilos
3. Simpleng vocal tics- ay ang mga tunog na pagkagalit, pagtulak, pagyell at pag lilinis sa lalamunan.
4. Ang pagkakaroon ng isang tao ng kondisyon na Tourette syndrome ay maaari nitong ulitin ang mga salita na sinasabi nita o ulit-ulitin ang mga sinasabi ng tao.
Comments
Post a Comment