Lahat tayo ay ninanais na magkaroon ng malusog na pangangatawan. Marami rin ang naghahangad na mabawasan ang kanilang timbang at pumayat. Ngunit dahil sa mga bad habits na ito na ginagawa mo pa lamang sa umaga, ang siya nang nakakapagpigil sa iyong pagpapapayat.
Narito at alamin ang mga maling gawain mo sa umaga na dapat mo nang itigil dahil ito ang dahilan ng hindi pagbawas ng iyong timbang.
1. Oversleeping
Ang kakulangan sa tulog ay masama sa ating kalusugan gayun din ang pagtulog ng sobra sa oras. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong nago-oversleep ng sobra sa sampung oras kada gabi ay tumataas ang kanilang body mass index (BMI) na siyang dahilan ng kanilang pagdagdag ng timbang. Ito rin ang rason ng pagiging obese at iba pang health problems gaya ng diabetes, heart problems, at depression.
2. Hindi pagbukas ng kurtina o blinds sa umaga
Ayon sa mga studies, ang pagsara ng kurtina o blinds upang makapasok ang sikat ng araw sa iyong kwarto ay nakakapagpigil upang mabawasan ang iyong timbang. Ito rin ang dahilan kung bakit ka nago-oversleep. Ang sikat ng araw ang siyang makakapagpagising sayo at makakapagpabilis ng iyong metabolismo.
3. Hindi pagligpit ng higaan
Ayon sa mga scientists, ang mga taong nagliligpit ng kanilang higaan ay mas nagkakaroon ng maayos na tulog sa gabi na nakakatulong upang maging fit at mag-improve ang kanilang kalusugan. Ang pagaayos ng higaan sa umaga ay nakakatulong din sa pagdidisiplina ng iyong sarili at magiging productive ka sa buong araw.
4. Hindi pagkain ng breakfast
Ang mga taong hindi kumakain ng agahan o breakfast ay mataas ang tiyansang tumaba at magdagdagan ang timbang dahil mas napapakain sila ng madaming unhealthy foods sa buong araw. At kung hindi nagkakaroon ng sapat na pagkain ang iyong katawan sa umaga, mahihirapan ang kang makontrol ang iyong appetite.
Comments
Post a Comment