Talagang nakakairita ang mga peste lalo na ang mga langaw. Ang mga insektong ito ang siya ring nagdadala ng mga iba't ibang uri ng sakit dahil kahit saan-saan sila dumadapo. Mabilis ding mangitlong ang mga ito kaya naman mabilis din silang dumami.
Kung isa ka sa mga naiinis na sa mga pesteng ito at gusto mo silang mapuksa sa iyong tahanan, narito ang apat na simpleng paraan na maaaring mong gawin at hindi ka pa gagastos ng mahal!
1. Plastic bag na may lamang tubig
Nakakamangha ang paraan ito. Ang kakailanganin mo lamang ay isang clear na plastic bag na may lamang tubig. Isabit ito sa inyong pinto upang hindi pumasok ang langaw. Ang repleksyon ng tubig sa plastic ay gumagawa ng ilusyon sa mga langaw at akala nila na ito ay sapot ng gagamba na kanilang iniiwasan.
2. Flypaper strips
Ang flypaper strips ay mabibili sa mga hardware o grocery stores. Ito ay nababalutan ng madikit at nakakalasong likido upang mahuli ang mga langaw na dadapo dito. Maaaring isabit ito sa tabi ng inyong pinto upang mahuli ang mga insekto lumilipad.
3. Apple cider vinegar at dishwashing soap trap
Maginit ng 2-3 tasang apple cider vinegar at ilagay sa bowl o maliit na palanggana. Maglagay ng 2-3 patak ng dishwashing soap dito. Ang matapang na amoy ng fermented na mansanan ang mag-aattract sa mga langaw upang lumapit at dumapo dito. At ang mga pesteng ito ay matatrap at hindi na muling makakalipad. Mabisa ang solusyon na ito sa mga fruit flies o ang mga langaw sa mga prutas.
4. Sugar Trap
Kumuha ng isang clear na baso. Lagyan ito ng lamang tubig na may asukal at takpan ang taas nito gamit ang plastic. Butasan ng maliliit na butas ang plastic. Kapag naattract ang mga langaw na pumasok dito ay mata-trap na sila loob.
Comments
Post a Comment