Napakaraming dahilan ang pagdadalang-tao ng babae ng multiple twins o kambal at isa na rito ay ang estado ng isang babae na kung saan siya ay dumaranas ng tinatawag na hyper-ovulation o mas mataas na posibilidad na mangitlog ng higit pa sa isa na magreresulta ng pagkabuo ng kambal na bata.
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga sanggol sa sinapupunan ng kanilang ina ay may sariling language na silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan sa pamamagitan ng mga actions at sounds. Sa labing-apat na linggo na pagiging fetus nila sa loob ng tiyan ng kanilang nanay, ang kambal ay kumokonekta sa isa’t isa sa pamamagitan ng reaching out. Inaalagaan nila ang isa’t isa.
Ito ang ilan sa mga paraan upang mas tumaas ang posibilidad ng pagkakaroon ng kambal na anak:
1. Ayon kay Dr. Gary Steinman, isang ob-gyne sa lugar sa New York, ang mga babaeng sobrang hilig sa pagkain ng mga dairy products ay mas mataas ang tiyansa ng pagbubuntis ng kambal. Ang identical twins ay nabuo mula sa iisang itlog ng babae kaya sila ay mahirap na makilala. Sila ay magkamukhang magkamukha ngunit mayroong mga bagay din na kanilang ipinagkaiba sa kanilang pisikal na anyo.
2. Pagbubuntis ng magulang na babae na nasa bandang menopausal stage na ay mayroong mas mataas na tiyansa na magbuntis ng kambal ngunit mas delikado na ang bata sa sinapupunan dahil matanda na ang babae at maaaring maging sanhi na pagkalaglag nito.
3. Ang babaeng nagbrebreast feed pa sa kaniyang unang anak nang siya ay mabuntis ulit ay mas mataas ang posibilidad na magbuntis ng kambal.
4. Ang mga babaeng gumagamit ng birth control pills ay mas mataas ang chances ng pagbubuntis ng kambal. Ito ay dahil kung ang isang babae na nagpipills ay huminto na sa paggamit nito, sa paghinto ng babae, dito magsisimula ang sobra sobrang hormone reproduction kaya naman kapag nakipagt^lik ito sa kanyang partner, mas posible talagang magkaroon ng kambal na anak.
Disclaimer: Ang mga nabanggit ay mga tips lamang upang pataasin ang tiyansang magkaroon ng kambal na anak. Ngunit ito ay walang tiyak na kasiguraduhan. Dahil ito ay maaaring nakadepende pa rin sa genes ng inyong pamilya.
Disclaimer: Ang mga nabanggit ay mga tips lamang upang pataasin ang tiyansang magkaroon ng kambal na anak. Ngunit ito ay walang tiyak na kasiguraduhan. Dahil ito ay maaaring nakadepende pa rin sa genes ng inyong pamilya.
Comments
Post a Comment