Karamihan sa atin, nakaugalian na natin na kapag malapit ng ma-drain ang battery ng ating cellphone ay icha-charge na natin ito sa power supply. At ang masama nito, kahit nakasaksak ito sa kuryente ay patuloy pa rin ang ating paggamit.
Sinasabi ng mga experto, ang paggamit ng cellphone habang nakasaksak ay maaaring makasira sa baterya ng iyong gadget. Ngunit ang hindi alam ng karamihan na may dulot din itong panganib sa buhay ng tao. Narito at alamin ang dahilan kung bakit delikado ang paggamit ng cellphone habang nagcha-charge kaya dapat mo na itong iwasang gawin!
1. Overheating
Ang unang mangyayari sa iyong gadget sa oras na ginagamit mo ito habang nakasaksak sa charger ay ang paginit ng baterya nito. Kapag ang iyong cellphone ay uminit ng matagal, maaari itong magdulot ng overheating at possibleng magdulot ng pagkasunog o pagleak ng mga harmful chemicals sa baterya.
Makakabuti na kapag magcha-charge ng iyong cellphone ay tanggalin ang ibang accessories gaya ng mga covers upang maiwasan ang overheating.
2. Paglobo ng battery
Ang pagcha-charge ng iyong cellphone habang ginagamit ito ay maaaring magdulot din ng paglobo ng baterya nito. At isa itong napakadelikadong pangyayari dahil maaaring ito ay sumabog, magdulot ng sunog, at maaari kang masaktan. Marami na ring kaso ang naitala sa ganitong mga aksidente.
3. Pagkakuryente
Ang nakaugaliang ito ay pwedeng magdulot ng pagkashort circuit ng iyong charger at pwede ka pang makuryente. Iwasan na ang paggamit ng cellphone habang nakacharge dahil maaari itong magdulot ng pressure sa iyong phone charger, magover heat at sa huli ay bibili ka ng panibagong charger.
4. Makakapagpababa ng total charge capacity ng iyong cellphone
Kung gusto mong tumagal ng ilang tao ang lifespan ng battery ng iyong cellphone, iwasan na ang paggamit nito habang nakasaksak sa power supply. Dahil maaari itong makapagpababa sa total battery charge capacity ng iyong smartphone. Pwedeng mabawasan itong ng 3-4 hours average playback time kung patuloy mong ginagawa ang maling gawaing ito.
Kaya nga poe nag aalala ako sa kuyako ang hilig nya gamitin cpko na nag chacharge salamat sa pa alala
ReplyDeleteSalamat poe sa pa alala sana makinig ang mga gayako mahilig mag cellphone kahit nKa charge
ReplyDelete