Napakagandang tignan sa mga bata kung sila ay may cute at chubby face, ngunit kapag ikaw ay tumanda na maaaring hindi na ito magandang tignan.
Ngunit sa ilan, mayroong ibang tao na may mga likas na chubby face kahit sila ay payat. Pero dapat malaman ang pagkakaiba ng may malusog na mukha sa puro taba na mukha. Narito at alamin ang mga paraan na makakatulong upang mabawasan ang sobrang taba sa mukha, pisngi, at baba.
1. Cheekbone roll exercise
Tinatarget ng exercise na ito ang sobrang taba na nasa pisngi na maaaring magdulot ng pag-sag ng mukha. Tumutulong din ito na magkaroon ng maayos na sirkulasyon sa pingi. Narito kung paano gawin.
- Ilapat ang hintuturong daliri sa iyong mga pisngi
- Idiin ng kaunti at imassage ito gamit ang sirkular na mosyon
- Gawin sa loob ng 1 minuto
- Gawin ang exercise na ito 2 beses sa isang araw
2. Chin raise
Ang ehersisyong ito ay ginagawa upang mabawasan ang pagkakaroon ng double chin o sobrang taba sa iyong baba.
- Itingala ang iyong mukha pataas at hawakan ito sa iyong kamay sa loob ng isang segundo
- Maaaring i-pout ang labi upang mas lalong mahatak ang taba sa baba pataas
- Gawin ang paraang ito 20 beses sa loob ng isang araw
3. Fish face exercise
Ito ay isang napakadaling at mabisang exercise upang ma-tighten ang mga cheekbones at lumiit ng pisngi.
- Sipsipin lamang ang iyong cheeks paloob sa iyong bibig habang naka-pout ang iyong mga labi (na parang mukha ng isda)
- Panatilihin ang ganitong posisyon sa loob ng 30 segundo
- Ulitin ng 10 beses at gawin ito araw-araw
4. Push and Smile Exercise
Alam niyo ba na ang pag-ngiti ay isang simpleng paraan upang ma-exercise ang iyong mga cheeks? Ang kailangan ng ehersisyong ito ay itulak lamang paloob ang iyong mga pisngi gamit ang iyong palad habang nakangiti.
- Ngumiti ng malaki
- Gamit ang iyong dalawang palad, itulak papaloob ang iyong pisngi
- Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 5 segundo
- Ulitin ng limang beses sa isang session
- Gawin ang session 2 beses sa isang araw
5. Gumamit ng facial roller
Ang facial rollers ay mabibili sa mga department stores. Nakakatulong ito upang imassage ang mga muscles sa iyong mukha upang magkaroon ng mas payat na mukha. Maaaring gawin itong gawin sa loob ng 5 minutes at dalawang beses sa isang araw.
Comments
Post a Comment