Ang dengue ay isa sa mga panganib na sakit na maaaring maapektuhan ang sino man mapa sanggol, bata, o matanda. Milyong milyong kaso ng dengue ang naitala taun-taon sa buong mundo at nagiging sanhi rin ito ng pagkam^tay sa ilan.
Paano nakukuha ang DENGUE?
Ang sakit na ito ay galing sa kagat ng carrier mosquito na Aedes Aegypti na siyang nagkakalat ng sakit gaya ng dengue, chikungunya, at zika virus. Ang lamok na ito ay may mga puting marka sa mga binti.
Mga Uri at Sintomas ng DENGUE na dapat mong malaman:
1. Mild Dengue
Karamihan sa mga taong nakagat ng lamok na may dengue ay maaaring walang ipakitang sintomas sa una. Ngunit ang mga sintomas na ito ay maaaring magsimula 4-6 na araw pagkatapos mong makagat ng infected na lamok.
- Mataas na lagnat na hindi bumababa makalipas ang ilang araw
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng kalamanan, joints, at buto
- Pagsusuka
- Pananakit sa likod ng mata
- Rashes
- Swollen glands
2. Severe Dengue o Dengue Hemorrhagic Fever
Ito ang mas malalang kaso ng dengue at ito ay mapanganib sa buhay ng tao dahil ito ay nakakam^tay.
At ito ang mga sintomas nito:
- Matinding pananakit ng tiyan
- Walang tigil na pagsusuka
- Pagdurugo ng gilagid o ilong
- Dugo sa ihi, dumi, o suka
- Pagdurugo sa ilalim ng balat na parang lumilitaw na mga bugbog
- Kahirapan sa paghinga
- Panlalamig ng balat
- Matinding pagkapagod o panghihina
- Pagiging iritable
Mga Prebensyon Upang Maiwasan Ang Dengue
- Alisin/ linisin ang mga lalagyanan na may tubig. Ang mga lamok na ito ay nangingitlog sa mga matubig na lugar. Kaya alisin o linisin ang mga lalagyan o lugar na may tubig dahil maaari itong pamahayan ng lamok.
- Gumamit ng mosquito repellants. Magpahid ng mga lotion o sprays na pangontra sa lamok gaya ng citronella. Iapply ito sa parte ng katawan na exposed na pwedeng dapuan ng lamok.
- Lagyan ng screen ang bahay. Upang maiwasang makapasok ang mga lamok sa bahay, maglagay ng screen sa bintana at pinto.
- Matulog gamit ang mosquito net. Kung ikaw ay matutulog sa labas, gumamit ng kulambo. Ito ay importante lalo na sa mga sanggol at bata dahil mababa ang kanilang immunity.
- Magsuot ng protective clothing. Magsuot ng mga long-sleeved na damit, pants, at medyas.
Mayroong vaccine upang maiwasan ang dengue ngunit ayon sa World Health Organization ito ay walang tiyak na kasiguraduhan. Ang pinakamagandang gawin ay ang prebensyon ng sakit at ang pagkontrol sa pagdami ng lamok na may dengue.
Comments
Post a Comment