
Ang halamang gamot na tawa-tawa ay karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote na kasana ng mga damong ligaw. Makikita rin ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Ito ay isang maliit na halaman na karaniwang ginagamit panlaban sa mga karamdaman gaya ng dengue.
Ang dahon nito ay tumutubo ng magkakatapat na magkaparares sa isang sanga. Ang halaman ay nababalot ng kaunting maliit na buhok. Marami itong dagta kapag napuputulan ang mga tangkay at dahon nito.
Tulad ng ibang halamang gamot, kilala ang tawa-tawa bilang isang mabisang pampalakas at pampataas ng platelet sa mga mayroong dengue.
Laganap ang sakit na dengue sa buong Pilipinas lalo na kapag tag-ulan. Ito ay isang uri ng sakit na galing sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Ito ay nagdudulot ng mataas na lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal, panghihina, pagsakit ng mga kalamanan at ulo, pagdurugo ng ilong at maaari din itong ikam^tay.
Ang mga Pinoy ay nakagawian ng uminom ng mga halamang gamot mula sa ating mga ninuno. Kaya nakilala ang halaman ng tawa-tawa na iniinom ng mga taong may dengue.
Ayon sa mga ilang pag-aaral ay may taglay na nakakapagpataas ng blood platelets ang tawa-tawa at nakakatulong rin ito sa pagpapahupa ng epekto ng dengue virus.
PAANO ITO GINAGAMIT BILANG GAMOT?
- Kumuha ng isang tungkos na dahon ng tawa-tawa
- Hugasan at linisin muna ito ng mabuti upang matanggal ang dumi
- Ilagay ito sa isang kaserola na may 5-6 na tasang tubig
- Isalang sa kalan at hintaying kumulo
- Hayaan muna itong lumamig ng konti bago inumin na paraang tsaa
Maaari inumin ang pinakulong dahon ng tawa-tawa 3-4 na tasa kada araw.
Ang tawa-tawa ay nakakatulong sa mga taong may dengue. Ngunit nagbigay pa rin ng babala ang DOH sa paggamit nito dahil nakakatulong lamang ito sa pagpapataas ng blood platelets ng isang tao. Mas makakabuti na ikonsulta pa rin sa doktor ang iyong kalagayan upang mas mabigyan ng medikal na atensyon at hindi mauwi sa mas malalang komplikasyon.
Disclaimer: Ang mga herbal na gamot ay maaaring makatulong sa iba't ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral. Hindi makakapagbigay ang PHDailyUpdates.com ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga ito ay maaaring gumana sa ilan ngunit sa iba ay hindi naman. Gaya ng ibang gamot, mahalagang ikonsulta pa rin sa inyong doktor bago uminom nito.
Comments
Post a Comment