Ang pag-inom ng turmeric water para sa iba't ibang mga karamdaman ay isa nang napakatagal na home remedy na maaaring alam pa ng inyong mga lolo at lola. Dahil sa active ingredient nitong curcumin, ito ay mabisang potent antioxidant na may nakakamanghang health benefits at may kakayahang pagalingin ang ibang mga sakit.
Narito ang mga ingredients na iyong kakailanganin upang makagawa ng Turmeric Water Drink:
- 1/2 kutsarita turmeric/ turmeric powder
- 1 baso maligamgam na tubig
- 1/2 lemon
- organic honey
Paano iprepare:
Kumuha ng isang basong may maligamgam na tubig. Maglagay ng 1/2 kutsaritang turmeric o turmeric powder. Ihalong mabuti. Magpiga ng 1/2 lemon. Magdagdag ng honey para pampalasa. Ialo itong muli upang matunaw lahat ng sangkap. Inumin.
Mas maganda kung iinumin ang mixture na ito sa umaga para sa mas epektibong benepisyong makukuha.
Ito ang mga epekto at health benefits ng turmeric water sa katawan:
1. Panlaban sa diabetes
Ang turmeric ay nakakapagpabawas sa insulin resistance at prebensyon sa type 2 diabetes. Binabawasan nito ang epekto ng sakit sa pamamagitan ng pagbago ng ilang mga hormones sa katawan. Ngunit mainam na ikonsulta ito sa iyong doktor dahil maaaring makaantala sa inyong ibang medikasyon.
2. Pinapabagal ang pagtanda o signs of aging
Ito ay may kakayahang pabilisin ang produksyon ng mga bago at healthier cells upang mapabagal naman ang pagtanda ng ating katawan. Pinapaganda rin nito ang sirkulasyon ng dugo kaya mas magmumukha kang mas bata.
3. Pangiwas sa k^nser
Ang pag-inom ng powerful drink na ito na wala pang laman ang iyong tiyan ay mabisa upang labanan ang mga c^ncerous cells sa katawan. Ginagawa nitong mas alkaline ang iyong mga cells at kinokontra ang pagmultiply ng mga unhealthy cells.
4. Pang-iwas sa arthritis
Dahil sa mataas nitong antiinflammatory properties, tinatanggal nito ang mga free radicals sa katawan. At pinapaginhawa ang pakiramdam sa mga taong nakakaranas ng joint pain at inflammation.
5. Pang-iwas sa pagkakaroon ng heart disease
Ang turmeric ay nakakatulong upang maiwasan ang pagbuild-up ng mga plaque sa iyong mga arteries na epektibong pampabawas sa pagkakaroon ng sakit sa puso.
6. Pampaganda ng digestion
Tinutulungan nito ang katawan na iexpel ang mga toxic waste dito. At kung ang katawan ay free sa mga substances na ito, nagkakaroon ng healthy environment para sa mga good bacteria ng katawan.
Comments
Post a Comment