Madalas niyo bang napapansin na masakit ang inyong likod tuwing umaga? Isa rin ba kayo sa mga nagrereklamo ng pagkaramdam ng pagka-ngalay sa inyong likod? Alam niyo ba ang dahilan ng back pain ay ang maling posisyon sa gabi sa ating pag tulog?
Sa artikulong ito, ibabahagi namin kung ano ang mga bagay na nakakasanhi ng back pain at kung paano kayo makakaiwas dito:
1. Pagtulog ng nakabaluktot na parang fetus
Ang ganitong posisyon sa pagtulog ay nakakasama sa ating joints at likod dahil ang posisyon ng spine sa ganitong pagtulog ay hindi neutral. Madalas ang sanhi ng ganitong posisyon ay kung madalas tayong nilalamig sa gabi. Hindi natin namamalayan na tayo ay nakabaluktot na palang natutulog dahil sa malamig na hangin o kwarto na ating pinagtutulugan. Kaya naman siguraduhin na hindi nakatapat sainyo ang aircon at magkumot ng tama upang maiwasan ito.
2. Higaan na may malambot na foam
Ang sobrang malalambot na kama ay isang dahilan ng pagsakit ng inyong likod dahil hindi gaanong nasusuportahan ang ating spine sa likod. Pumili ng mattress na may katamtaman na lambot at tigas upang malimitihan ang pagkangalay ng likod.
3. Maling pagbangon sa kama
Ang maling pagbangon sa inyong kama ay isang sanhi ng pagkakaroon ng back pain dahil maaaring mabigla ang inyong spine sa pagtayo o pagbangon mula sa pagkakahiga. Kung sakaling babangon, dahan dahan na umupo muna sa inyong higaan habang gamit ang inyong kamay sa pag-angat ng inyong likod. Umupo ng 3-5 minutes bago tumayo. Importante din ang kaunting pagstretch upang hindi mabigla ang inyong buto.
4. Pananakit dahil sa maling paggamit ng unan
Ang unan ay ang maaaring makatulong upang mabawasan ang back pain. Maglagay ng unan sa pagitan ng dalawang paa kung kayo ay madalas na natutulog ng patagilid upang matanggal ang pressure sa inyong spine. Kung kayo naman ay madalas na natutulog sa inyong likod, maglagay o isingit ang dalawang unan sa pagitan ng inyong gilid sa likod upang nakasuporta pa rin ang bigat sa unan at hindi sa inyong spine.
5. Tummy Sleeper
Kung kayo ay madalas na nakahiga sa posisyon kung saan madalas na nakadapa, ito ay maaaring magsanhi ng back pain dahil hindi nakapantay ang inyong likod tuwing nakadapa. Ang isa pang dahilan nito ay maaaring malamigan ang inyong likod at makapagsanhi ng pananakit ng muscles at maaaring magkaroon ng lamig.
Comments
Post a Comment