Ito Ang Mga Natural Na Paraan Upang Maiwasan Ang Pagkasira Ng Iyong Ngipin At Mapanatili Itong Matibay!

Karaniwan na problema ng karamihan ang pagkakaroon ng sira o bulok na ngipin. At ang oral health problem na ito ay madalas sa mga bata, teenagers at mga matatanda.
Ang pagkabulok ng ngipin ay nangyayari dahil sa bacterial infection na nagdudulot ng demineralization at pagkasira ng enamel o ang matigas na tissue ng ngipin.
Upang mapanatiling matibay at maiwasan ang pagkabulok ng ngipin ay maaari mong gawin ang mga natural na paraan na ito. Ngunit dapat pa ring ikonsulta sa iyong dentista kapag napapansin mo na may sumasakit at nasisira sa iyong mga ngipin.
1. Pagmumog ng tubig na may asin
Sa isang basong may maligamgam na tubig, magtunaw ng ng isang kutsaritang asin. Gamiting itong pangmumog sa loob ng 1 minuto. Gawin 3 beses sa isang araw hanggang mawala ang pananakit ng iyong ngipin. Nakakatulong din itong alisin ang mga bacterya sa iyong bibig.
2. Bawang
Maghalo ng 3-4 na pirasong bawang at 1/4 kutsaritang asin. Dikdikin ng pinong pino ang bawang at itapal sa nabubulok na ngipin. Hayaan ito sa loob ng 10 minuto bago magmumog ng mouthwash. Gawin 2 beses sa isang lingo para mabawasan ang mabilis na pagkabulok nito. Dahil ang bawang ay mayroong antibacterial properties na kayang pum^tay ng bakterya.
Paalala: Ngunit huwag umasa na mawawala ng permanente ang cavities gamit lamang ang paraan na ito. Mas mabuti kung ipacheck up na sa iyong dentista upang mabigyan ng karampatang lunas.
3. Turmeric
Magpahid ng turmeric powder sa ngipin na may sira. Hayaan ito sa loob ng ilang minuto bago magmumog ng maligamgam na tubig.
4. Wheatgrass
Ang paginom ng kalahating baso ng wheatgrass juice araw-araw ay nakakatulong labanan ang mga cavities bago pa magkaroon. Maaari ring ihalo ang wheatgrass sa tubig at gamiting pangmumog.
5. Oil Pulling
Ang oil pulling ay isang remedyo na ginagamit upang malinis at ma-detoxify ang iyong ngipin at gilagid. Sinasabi na ito rin ay nakakapagpabawas ng bakterya sa loob ng iyong bibig upang mabawasan ang tiyansang magkaroon ng cavities.
Maglagay lamang ng 1 kutsaritang sesame oil o coconut oil sa iyong bibig. Panatilihin lamang ito sa loob ng iyong bibig sa loob ng ilang minuto. Iwasang igargle o lunukin ang oil. Pagkatapos ay banlawan ang bibig gamit ang maligamgam na tubig at magsepilyo.
Comments
Post a Comment