Sa taas ng mga bilihin ngayon, isa na rin na lumalaki sa ating buwanang bayarin ay ang kuryente o electric bill. Kung tutuusin, ang paglaki ng bill sa kuryente ay hindi lang nakadepende sa paggamit ng mga electric appliances kundi sa uri rin ng mga ito. Dahil may iilang mga appliances na kahit gaano ka pa katipid ay talagang malakas kumonsumo ng kuryente.
Kaya narito ang mga dapat mong gawin sa iyong mga appliances upang hindi lumaki ang iyong electric bill at makatipid sa kuryente.
1. Paggamit ng Air-con
Sa init ng panahon ngayon, ay talaga namang maghahanap ka nang paraang upang lumamig ang iyong pakiramdam. Kaya karamihan na rin sa mga bahay-bahay ay nagpainstall na sila ng kani-kanilang mga airconditioning units.
Ang paggamit ng aircon ang napakamahal dahil malakas itong kumonsumo ng kuryente. Ngunit upang makatipid, iset lamang ang temperatura nito sa medium. Maaari ring iset ang timer upang hindi napapasobra ang iyong paggamit.
Piliin din ang tamang uri ng aircon at ibase ito sa kwartong iyong paglalagyan. Dahil kung maliit o mababang horsepower ang biniling aircon at hindi agad kayang palamigin ang kwarto, mas malaki ang kuryenteng makokonsumo nito.
2. Electric fan
Siguraduhing malinis ang mga fan blades ng inyong electric fan upang maganda ang takbo ng makina. Dahil kapag madumi ito, mas malakas ang power consumption nito. Tanggalin din ang mga nakasaksak na electric fan kung hindi namain ito ginagamit.
3. TV
Ang mga lumang tv na box type o Cathode Ray Tube (CRT) ay mas malakas kumain ng kuryente. Kaya mainam na maginvest sa mga affordable LED TVs.
4. Refrigerator
Isa rin sa mga malakas kumonsumo ng kuryente ay ang ating mga ref. Dahil sa bawat pagbukas mo ng pinto nito ay lumalabas ang lamig. Kaya ang resulta ay muli itong magpapalamig at magkukunsumo uli ito ng kuryente.
5. Ilaw
Pumili ng mga LED bulbs kaysa sa mga flourescent lamps dahil mas malakas kumonsumo ng kuryente ang mga ito.
6. Plantsa
Kung magpaplantsa ng damit, siguraduhing minsanan nalang dahil mas makakatipid ka sa ganitong paraan.
7. Computer
Huwag iwanang nakabukas lagi ang computer kung hindi naman ginagamit. Maaari mo rin itong ilagay sa sleep mode upang makatipid.
8. I-unplug o tanggalin lahat ng mga nakasaksak na bagay na hindi naman ginagamit
Kung may mga appliances kayo na nakasaksak sa power supply, malaki man ito o maliit at hindi naman ginagamit, tanggalin ang pagkakasaksak nito dahil meron pa rin itong kinukonsumong kuryente.

Comments
Post a Comment