Ang sakit na lupus ay mahirap na matukoy dahil may mga sintomas ito na kapareha sa mga iba’t ibang uri ng sakit tulad na lamang ng problema sa kidney, balat, at kasukasuan.
Ang sakit na lupus ay isang uri ng sakit na kung saan nilalabanan ng iyong immune system ang sarili mong katawan. Isang uri rin ng sakit na may potensyal na nakamamam@tay dahil sa pag-atake ng mga malulusog na tissues at organs sa ating katawan ng sariling immune system.
Kahit sino man ay maaaring magkaroon nito. Ngunit ayon na rin sa mga dalubhasa at pagaaral, karamihan na naaapektuhan ay mga kababaihan at karaniwang nadedevelop sa pagitan ng 15-44 taong gulang.
Kung ikaw ay nakararamdam ng ilang sintomas ng lupus ay maaaring kumonsulta sa isang rheumatologist. Ang mga rheumatologists ay mayroong database ng mga lupus dahil sa dami na puwedeng gayahin ng sakit na ito.
Kapag na-diagnose na may lupus ang isang tao, maraming treatment ang pagdadaanan na kung saan pahihinain ang immune system gamit ang mga gamot ngunit kailangan na maging balance ang gamutan dahil maaaring magkaroon ng komplikasyon dahil sa pinahina ang immune system.
Kapag na-diagnose na may lupus ang isang tao, maraming treatment ang pagdadaanan na kung saan pahihinain ang immune system gamit ang mga gamot ngunit kailangan na maging balance ang gamutan dahil maaaring magkaroon ng komplikasyon dahil sa pinahina ang immune system.
Kaya’t pinapayuhan na kumain ng mga masusustansiyang pagkain tulad na lamang ng gulay, isada at prutas. Kinakailangan rin na umiwas sa mga pagkaing maaalat at iwasan ang magpa-araw ng sobra dahil maaaring pasiglahin ng ultraviolet rays ang aktibidad ng sakit.
Sanhi ng Lupus at kung saan maaaring makuha ang Lupus:
Ilan lamang ito sa mga maaaring maging sanhi at kung saan maaaring makuha ang sakit na lupus. Ayon nga sa mga nabanggit ay hindi lamang iisang dahilan ang pagkakaroon ng sakit na lupus at ito rin ay kasing pares ng iba’t ibang sakit.
- Genetics o namamana
- Palaging stress
- Ultraviolet rays ng araw
- Hormones
- Emotional stress, depression o komplikasyon
Narito naman ang mga sintomas ng lupus na dapat ninyong malaman:
• Pagkalagas ng buhok
• Pagkapagod o madaling mapagod
• Pananakit ng kasukasuan
• Pagkakaroon ng pantal sa pisngi at ilong
• Pagkakaroon ng rashes sa balat
• Nilalagnat ng walang dahilan
• Loss of mobility o hirap sa paggalaw ng kamay o paa
• Maaaring humantong sa sakit sa buto, puso, baga at pinsala sa bato
Ayon na rin sa mga dalubhasa ‘multi-factorial’ o walang iisang dahilan ang pagkakaroon ng lupus ang isang tao. Ngunit hindi naman umano ito nakakahawa kaya walang dapat na ikatakot ang mga taong nakapaligid sa isang taong may lupus.
Comments
Post a Comment