Sa ating bansa, kahit saan tayo magpunta ay mayroon tayong mabibiling okra o 'lady fingers' ika nga sa ingles dahil isa itong pangunahing gulay na ating kinaugalian na kainin.
Alam niyo ba na ang okra ang isa sa pinakahealthy na gulay na maaaring panlaban sa kondisyon na diabetes? Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang kakayahan ng okra at ang mga benepisyo nito sa mga taong may diabetes.
Ano ang katangian ng Okra na nakakatulong para sa Diabetes?
Sa isang research na ginawa sa ibang bansa, ang okra ay nakakatulong sa mga taong may pre-diabetic condition dahil ito ay naglalaman ng anti-diabetic property. Napupuno ito ng potassium at posibleng makatulong upang ma-improve ang blood sugar level ng isang tao.
Mayaman din ito sa dietary fiber na nakakatulong sa digestion ng tao at pagpapababa ng cholesterol kaya naman ito ay maganda para sa mga taong may mataas na blood sugar level.
Paano gawin ang Okra Water para makatulong sa Diabetes?
Nagiging popular ang sinasabing 'okra water' bilang isang bagong method sa paggamit ng okra. Marami ang nagsasabi na ang pag-inom nito ay makakatulong makabawas ng sintomas ng diabetes.
Sundin ang mga sumusunod:
1. Hugasan ang mga okra upang matanggal ang ibang toxins nito.
2. Ilaga ang okra sa kumukulong mineral na tubig
3. Ibabad ito buong gabi upang mabsorb ng tubig ang nutrients nito (Maaari mo rin hatiin ito upang mas lumabas ang nutrients ng okra)
4. Inumin ang tubig ng pinaglagaan ng okra
Pwede mo rin kainin at ihalo ang okra sa pagkain na may kasamang isda upang mas makuha mo ang benepisyo nito.
PAALALA: Importante parin na magpakonsulta muna sa inyong doktor upang mas malaman ang tamang bawal at pwedeng kainin ng isang tao may diabetes upang makasigurado.
ginagawa ko ung okra binabad ko sa tubig..at pede ba buntis uminom noon..ginawa ko to kasi mataas sugar ko
ReplyDelete