Karamihan sa atin hindi natin alam na tayo pala ay nakakaranas na ng mataas na blood pressure sa ating katawan. Ang ilan sa mga sintomas nito ay inaakala natin na simpleng mga kondisyon lang na madaling magamot. Ngunit marami ang mga sintomas na hindi natin napapansin na tayo pala ay maroon ng elevated na presyon.
Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang ilan na kritikal na sintomas ng high blood pressure at tips o paraan para ito ay bumaba:
1. Madalas na pagkahilo o pagsak!t ng ulo
Kung madalas ninyong napapansin na kayo ay nahihilo o madalas na sumakit ang ulo ay huwag basta ipasawalang bahala ito dahil maaari na pala na isa na itong delikadong senyales na mataas ang inyong blood pressure.
2 . Blurry Vision/ panlalabo ng paningin
Ang simpleng pagkalabo ng mata ay minsan nangangailangan ng panibagong salamin subalit minsan ito rin ay isang sintomas ng mataas na high blood pressure. Kaya kung napapansin niyo na madalas lumalabo ang inyong paningin, mag patingin agad sa inyong espesiyalista.
3. Hirap sa Paghinga o Pananakit ng Dibdib
Ang pagkakaroon ng Chest Pain at hirap sa paghinga ay maaaring matrigger ng high blood pressure at ito ang mga karaniwan na sintomas ng hypertension. Kung napapansin niyo na may madalas kayong may chest pain kahit hindi kayo napapagod, huwag itong ibalewala.
4. Ringing Ears
Kung madalas ninyong marinig na may tumutunog sa loob ng inyong tenga, maaari isa itong sintomas ng mataas na presyon dahil hindi balanse ang fluid sa inyong utak. Kaya magpatingin ng inyong presyon upang mamonitor ito.
5. Mabilis na pulso na maaaring maramdaman sa kamay, leeg, dibdib o tenga
Kung napapansin ninyo na may mabilis na kayong tibok ng inyong pulso, ito ay isa ng senyales na mataas ang inyong presyon. Kaya mas mabuti kung alam niyo kung paano kapain ang inyong mga pulso sa kamay at leeg upang malaman ang bilang nito at kung mabilis na nga ba ang pagtibok nito.
Ayon sa mga doktor, ang pagkakaroon ng 120/80 mmhg ay normal blood pressure ng tao. Ito ay tinatawag na elevated blood pressure kung ang inyong Blood pressure ay nasa systolic 120-129 mmHg.
Tips para bumaba ang high blood pressure:
1. Magbawas ng timbang dahil ang pagiging overweight ay maaaring magdulot ng mataas na presyon.
2. Kailangan ng ehersisyo kahit 10 minuto kada araw upang ma-replenish at mag-circulate ng maayos ang ating sistema at matanggal ang mga toxins sa katawan na maaaring magsanhi ng presyon na mataas.
3. Bawasan ang sodium sa pagkain lalo na ang mga maaalat na pagkain.
4. Kumain ng whole grains, gulay at prutas upang magkaroon ng sustansya ang pagkain. Iwasan kumain ng baboy at mga pagkain na may excess oil.
Ang ilang sintomas na ito ay hindi basta basta nangangahulugan na kayo ay may mataas na presyon, gabay lamang ang mga ito upang mas maging aware tayo sa mga posibleng sintomas ng ganitong karamdaman. Mas mainam na kumonsulta sa inyong doktor upang malaman ang tamang diagnosis ng kalusugan.
isa na rin ba sinyales na pananakit ng pikod at dibdib?
ReplyDeletepananakit ng likod po
ReplyDelete