Ang dibdib ng mga babae ang pinaka maselang parte ng kanilang katawan dahil ito ay binubuo lamang ng fats at tissues. Ito ay nangangailangan ng espesyal na atensyon dahil madali itong masaktan.
Dahil na rin sa nausong sakit ng bre@st c^ncer kaya dapat ay mas lalong maging maingat ang mga kababaihan sa kalusugan ng kanilang dibdib. Ngunit mayroong nagagawa ang ilang mga babae na hindi nila namamalayan na nakakasama pala sa kanilang hinaharap. Alamin ang mga ito upang inyo nang maiwasan.
1. Pagpili ng maling sukat ng bra o bra size
Ang ilang mga babae, nagsusuot sila ng mas maliit na bra size upang mas lalong maging prominente ang kanilang dibdib. Ngunit ang gawaing ito ay isang pagkakamali dahil maaari itong magdulot ng discomfort, hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan, at mauwi pa sa mas seryosong kondisyon.
2. Pagsusuot ng bra sa gabi kapag matutulog
Ang gawaing ito ay dapat ng itigil ng lahat ng kababaihan dahil ito ay nakakasama lang sa inyong kalusugan. Pwede itong magdulot ng mahinang sirkulasyon ng dugo sa katawan at pagkairita sa paligid ng iyong dibdib.
3. Pagsusuot ng maling bra kapag tatakbo o magjo-jogging
Ang pagpili ng tamang underwear kapag ikaw ay mageehersisyo gaya ng running o jogging ay importante dahil dito nakasalalay ang iyong kalusugan. Ang tamang solusyon dito ay ang pagsuot specially designed T-shirts o sport bras na tama ang sukat. Dahil kung ito ay maluwag, maaaring makadamage din ito sa tissues ng iyong dibdib.
4. Pagdiin sa iyong dibdib
Dahil ito ay napakasensitibong parte ng katawan ng babae, iwasan ang pagdiin nito dahil maaari itong magdulot ng trauma sa iyong bre@st tissues, pananakit, at discomfort. Iwasan din itong matamaan ng iba dahil baka magdulot ito ng bukol o cyst.
5. Pagtanggal ng kung anumang tumutubong buhok o balahibo
Sa ilang kababaihan, karaniwan na tubuan ang sila ng maninipis na buhok o balahibo sa paligid ng kanilang n!pple. Ngunit iwasang bunutin ito dahil ilalagay mo lang ang iyong sarili sa panganib na magkaroon ng implamasyon.
Comments
Post a Comment