Ang paghaba o paglago ng ating buhok ay isang natural na cycle, minsan ay may napapansin tayong p@tay na buhok, minsan naman ay may tumutubong bagong buhok. Maniwala ka man o hindi, hindi lang tao ang nagkakaedad na kundi pati na rin ang hair follicles natin kaya naman minsan ay nakakakita tayo ng puti o gray na buhok dahil mas konti nalang ang kaya nilang iproduce na kulay.
Kahit na sinasabi na ang genetics ng tao ang makakapagsabi kung kailan talaga magkakaroon ng puting buhok, hindi maiiwasan na kapag nasa edad 35 years old na ang isang indibidwal, ang mga hair follicles ay gumagawa nang gray o white hair para mapalitan na ang mga p@tay na buhok.
Kung gusto mong manatili o maibalik ang kulay sa iyong buhok, maraming solusyon para rito. Narito ang ilang Home remedies para sa iyong puting buhok:
1. Onion
Gumamit ng blender para makagawa ng onion juice, pagkatapos ay ilagay ang juice sa iyong scalp. Pagkatapos ng 30 minutes, maaari na itong hugasan. Pwede ring ihalo ang onion juice sa coconut oil o kaya naman kapag ayaw mo ng matapang na amoy ng onion pwede mo itong haluan ng isang itlog at 1 tablespoon ng olive oil. Ang Onion ay sagana sa antioxidant enzyme catalase na nakakapagbalik ng natural hair color.
2. Coconut oil
Magmula pag-alis dandruff hanggang sa pagtubo ng panibagong buhok, simple lang ngunit epektibo ang paggamit ng coconut oil. Every other day, bago matulog, imasahe lang sa iyong buhok at scalp ang coconut oil, at paggising sa umaga ay hugasan na ang iyong buhok. Makakatulong ito sa pag-iwas magkaroon ng gray at puting buhok dahil mayroon itong nutrients at antioxidant na kailangan ng buhok para magkakulay.
3. Black sesame seeds
Sa loob ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Kumain ng 1 tablespoon ng black sesame seeds para mabawasan ang posibilidad na tumubo ulit ang gray hair. At hindi lamang ito para sa buhok kundi mayroon rin itong anti-aging benefits at tumutulong sa pag-improve ng iyong bone health, eye health at peaceful sleep.
4. Catalase
Kumain ng mga pagkaing sagana sa enzyme catalase tulad ng garlic, cabbage, sweet potato, broccoli at almonds dahil isa itong potent anti-oxidant na tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng gray hair.
5. Rosemary
Hindi lang ito nagdadagdag ng lasa o flavor sa mga kinakain kundi pwede rin pala itong gamitin sa pag-darken ng gray hair at patagalin ang pagtubo nito. Kaya kung meron kang bagong tubo pa lamang na gray hair, isa ang rosemary sa dapat mong subukan. Ang kailangan gawin ay maglagay ng 1/3 dried rosemary sa isang 8-ounce na jar at ang natitirang space para mapuno ito ay lagyan ng virgin olive oil. Iwan ito sa loob ng jar sa maaraw na lugar sa loob ng 4-6 weeks habang hinahalo ito araw-araw. Matapos ang anim na linggo, gamitin ito bilang hair oil. Matrabaho man ito, pero siguradong gaganda naman ang iyong buhok at ma-aachieve ang dating kulay nito.
Comments
Post a Comment