Ang halik ay isang paraan kung saan pinapakita mo ang iyong pagmamahal sa isang tao. Kung tutuusin, napakarami ng uri ng halik, maaaring ito ay passionate kiss, romantic kiss, friendly kiss, kiss of respect, greeting, at marami pang iba.
Ngunit ang paguusapan natin ngayon ay ang paghalik sa iyong partner/asawa/kasintahan, ang romantic o passionate kiss. Ito ay isang akto na kung saan ipinapahayag ninyong dalawa ang inyong pagmamahal at damdamin sa isa't isa. Ngunit alam niyo ba na may mga maling bagay pala kayo na nagagawa na hindi ninyo namamalayan sa tuwing ikaw ay makikipaghalikan? Narito at alamin ang mga ito!
1. Pagkakaroon ng mabahong hininga
Ang mabahong hininga o kung tawagin ay "halitosis" o bad breath ay isang napakalaking turn-off para sa taong bibigyan ninyo ng halik. Sa katunayan, ang bad breath ay hindi naman nakakahawa, ngunit ang bakterya sa bibig ang siyang naipapasa sa tuwing nakikipaghalikan. Kaya siguraduhing mabango at malinis lagi ang inyong oral health.
2. Malaway na paghalik
Dapat matutunan kung paano kontrolin ang dila at laway upang hindi mapuno ng laway. Gawin ito sa pamamagitan ng konting pagbuka lamang ng bibig. Gawin itong dahan dahan at passionately.
3. Nakabukas ang mata habang nakikipaghalikan
Napaka-awkward o hindi komportable ang sitwasyon kapag nakabukas ang iyong mata sa tuwing ikaw ay nakikipaghalikan. Ang pagsara ng mata kapag humahalik ay isang paraan upang mas maging relax ang iyong sarili at makapagfocus ng mabuti.
4. Mabilis na paghalik
Upang masariwa ang bawat minuto ng halik ay dapat ito ay dahan dahan. Karamihan din sa mga babae, ay gusto nila ang slow, passionate kiss dahil ito ay mas romantic. Huwag maging masyadong agresibo dahil baka masaktan mo lang ang iyong partner.
5. Paggalaw ng iyong kamay
Ang pag galaw ng inyong kamay ay importante kapag nakikipaghalikan. Ang paghaplos sa mukha, leeg, o ulo ay nakakapagpataas sa lebel ng inyong r0mansa. Pakiramdaman din kung gusto ito ng iyong kapartner dahil ang sobrang paggalaw ng kamay ay maaaring magbigay ng ibang mensahe sa kanya at maturn-off siya sa yo.
Comments
Post a Comment