Ang ubong may plema ay talaga namang nakakairita sa pakiramdam. Bukod pa dito ay may kasama rin itong sipon at iba pang imp*ksyon. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit minsan ay hindi ka makatulog, makapagrelax ng maayos, at magawa ng mabuti ang iyong mga pang araw-araw na gawain.
Kung ikaw ay isa sa mga tao na ayaw umiinom lagi ng gamot pang-ubo, narito ang mga natural, safe, at epektibong paraan upang malunasan ang iyong ubo at matanggal ang plema.
1. Steam Inhalation
Ang steam inhalation o pag-amoy ng usok galing sa steam ay matagal ng ginagamit na remedyo upang matanggal ang pagkabara ng ilong dahil sa sipon at lumuwag ang ubo na may plema upang mas madali itong mailabas.
Magbuhos ng kumukulong tubig sa isang palanggana. Itapat ang iyong mukha sa usok at itakip sa iyong ulo ang tuwalya. Maaaring maglagay ng essential oil at singhutin ang steam upang guminhawa ang paghinga.
2. Salabat na gawa sa luya
Ang luya ay isang herbal na gamot at decongestant. Ginagamit din ito sa may mga makating lalamunan. Kaya nitong labanan ang mga bakteryang nagdudulot ng plema. Magpakulo lamang ng 2 tasang tubig at lagyan ng hiniwang luya. Hayaan itong kumulo upang lumabas ang katas. Hayaang lumamig ng kaunti bago inumin parang tsaa. Maaari itong inumin 2-3 beses sa isang araw.
3. Turmeric
Gaya ng luya, ang turmeric o luyang dilaw ay may kaparehas na epekto sa lalamunan. Maaaring uminom ng turmeric tea 2-3 beses sa isang araw upang mabawasan ang pagkairita ng lalamunan dahil sa ubo at plema.
4. Tubig na may asin
Ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin ay isang paraan upang mapuksa ang mga bakteryang nagdudulot ng sore throat at plema.
5. Honey at Kalamansi
Ang kalamansi ay nagtataglay ng vitamin C na nakakatulong palakasin ang immunity. Samantalang ang honey ay mayroon soothing effect sa lalamunan upang mabawasan ang pangangati nito. Gamit ang isang basong maligamgam na tubig magpiga ng 2-3 kalamansi lagyan ng 1 kutsarang honey at paghaluin. Inumin ito araw-araw hanggang mawala ang ubo.
Comments
Post a Comment