Isa sa pinakasikat na usapin ngayon ang mga mental health problems at ayon sa World Health organization o WHO, 10 hanggang 20 percent na bata at mga teenager ang nakakaranas ng iba’t ibang klase ng mental disorder. Sa tantya ng WHO, kalahati ng karamdamang mental ay nagsisimula na sa edad na 14 at kapag hindi ito napansin at nagamot, maaaring hindi na ito at mapunta na sa isang mas seryoso pang bagay habang tumatanda na.
Ang ilang halimbawa ng mental disorders ng mga batang edad 3 hanggang 17 na isinaad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay ang ADHD (Attention-deficit/hyperactivity disorder), behavioural or personality disorder, anxiety, depression and autism and/or autism spectrum disorder. Kapag usapang mental illness sa mga bata, hindi madaling malaman ito ng magulang kaya naman may mga batang hindi nabibigyan ng benepisyo para makuha ang paggamot na kailangan nila.
Narito ang ilang senyales o warning para sa nakararami na makakatulong sa inyong anak hindi lang para malampasan ang mas malala pang sitwasyon o para maiwasan ang mga bagay na makakapag-palala sa kanilang kondisyon.
1. Mood changes
Kung ang anak mo ay laging nag-aalala o naging balisa siya sa lahat ng oras maaari itong senyales ng anxiety disorder. Makikita rin na sa oras na nag-iisip siya ng mga ganitong bagay ay nagpapawis siya, sumasakit ang dibdib o bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil sa murang edad hindi pa dapat sila nag-aalala sa kung anumang kilos ang kanilang gawin.
2. Weight loss
Minsan mabibigla nalang tayo dahil malaki na ang nabawas sa kanilang timbang dahil tulad ng kanilang mood, parang nawawala na rin ang gana nilang kumain. Ang madalas ring pag-suka o pag-inom ng laxative ay maaaring magpahiwatig ng eating disorder.
3. Physical harm
Madalas ang pagkakaroon ng mental health problem ay humahantong sa pananakit ng sarili tulad ng paglaslas o pagsunog sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang mga bata na may mental health condition ay maaari ring magkaroon ng suicidal thoughts o magtangkang magpakamatay.
4. Intense feelings
Minsan sobrang takot sila sa walang dahilan, nagpapanic at bumibilis ang paghinga o tibok ng puso dahil sa kanilang sobrang pag-aala o takot na harapin ang buong araw at sumunod pang araw para sa iba’t ibang activities na nakahain.
5. Substance abuse
Para mapunta sa iba ang kanilang atensyon o matakasan na ang kanilang problema, ang iba ay naiisip nalang na gumamit ng mga bagay na tingin nila ay makakawala nito tulad ng paginom ng alak, paninigarilyo, pag-inom ng drgs at iba’t iba pang masamang bisyo upang makayanan ng kanilang damdamin.
Comments
Post a Comment