
Lahat tayo ay nakakaranas ng panunuyo at pagbabakbak ng mga labi. Kadalasan ito ay dahil sa kakulangan sa tubig, pagbabago ng panahon, at paggamit ng iba't ibang produkto na may kemikal sa ating labi.
Ang ating mga labi ay ang may pinakamanipis na balat sa ating buong katawan. At kung ito ay nagdry, nag-crack, at nagbabalat maaaring ito rin ay madaling masugat at magdulot ng pagkahapdi at hindi komportableng pakiramdam. Upang maiwasan ito, narito ang mga solusyon na pwede mong subukan!
1. Pipino
Ang pipino ay nakakatulong rin sa labing nagbabakbak dahil ang malamig nitong texture ay nakakapagmoisturize ito sa iyong mga labi.
4. Virgin Coconut Oil
1. Pipino
Ang pipino ay nakakatulong rin sa labing nagbabakbak dahil ang malamig nitong texture ay nakakapagmoisturize ito sa iyong mga labi.
- Maghiwa lamang ng ilang 1-2 slice ng pipino
- Direktang ipahid ang katas ng pipino sa iyong labi
- Makakatulong ito upang mapabilis ang healing process ng iyong mga labi
2. Petroleum Jelly
Mas mainam na ilagay ang petroleum jelly sa nag-dry at nagcrack na labi upang mas mabilis itong gumaling. Nakakatulong ito sa pagmoisturize at protektahan ang iyong labi. Iapply ito maraming beses sa isang araw. Magapply lamang ng manipis na layer sa iyong mga labi.
3. Aloe Vera
Ang aloe vera ay mayroong healing properties lalo na sa nagda-dry na balat partikular na rin ang balat sa labi.
- Kumuha ng isang dahon ng aloe vera
- Gayatin ang gel nito at ilagay sa isang malinis na lalagyan
- Gawin itong pampahid sa nanunuyong labi
- Maaaring hindi masarap sa panlasa ngunit makakatulong naman sa mabilis na paghilom ng nababakbak na labi
4. Virgin Coconut Oil
Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagkirot dahil sa pagsusugat ng iyong mga labi, ang langis ng niyog o virgin coconut oil ay makakatulong sayo. Ito rin ay may antibacterial properties at makakatulong sa pagbalik ng moisture sa labi.
5. Asukal at honey
Kung napapansing may kaunting pagbabakbak sa labi, maaaring gamitin ang natural lip scrub na ito. Paghaluin lamang ang isang kutsarang asukal at ilang patak ng honey. Imix itong mabuti. Ipahid ito sa iyong mga labi at iscrub ito ng dahan dahan.
Makakatulong ito na iexfoliate ang labi at alisin ang mga d*** skin cells nito. Matapos itong gawin ay mapapansing makinis at malambot ang mga labi. Ngunit gawin lamang ito hindi hihigit sa 2 beses sa isang linggo.
Upang maiwasan ang labis na pagbibiyak ng labi, ito ang mga dapat iwasang gawin:
- Iwasang dilaan paulit ulit ang labi dahil ito ay nakakaragdag lamang sa panunuyo.
- Huwag tuklapin ang nagbabalat na labi dahil maaari itong masugat
- Bawasan ang paggamit muna ng lipstick
- Bantayan ang mga kinakain at iwasan ang mga pagkain nakakapagpalala ng kondisyon gaya ng maanghang at maasim na pagkain.
Comments
Post a Comment