Limang Vitamins na Kailangan ng Iyong Balat Para Mawala ang Wrinkles, Psoriasis, Eczema at Iba pang Skin Problems!
Skin problem ang karaniwang problema ng mga Pilipino dahil tayo ay nakatira sa mainit na klima kung saan maaaring madaling mairitate ang ating balat dahil sa polusyon at init ng araw. Dahil sa mahal magpa facial treatment o bumili ng mga medications para sa ganitong problema ng balat, alam niyo ba na pwede niyo pala itong maiwasan kung iinom kayo ng ganitong klase ng bitamina?
Narito ang mga VITAMINS na kailangan ng inyong balat upang malimitahan ang pagkakaroon ng Psoriasis, Eczema at Wrinkles:
1. Vitamin D
Importante ang Vitamin D sa ating katawan dahil ito ay nakakatulong sa ating immune system na gumana ng maayos. Kung tayo ay kulang sa vitamin D, posibleng maapektuhan ang ating immune system, mental illness at hormonal imbalance na nakakapagdulot ng pimples, wrinkles at skin problems.
2. Omega 3 Fatty Acid
Ang bitamina na ito ay isang natural anti-inflammatory fat. Ayon sa mga research, ang pag-inom ng Omega 3 fatty acid sa mga taong may Eczema ay nakakatulong upang matanggal ang mga sintomas pagkatapos inumin ito ng 12 weeks.
Makukuha mo ang Omega 3 sa pagkain ng isda, eggs, chia seed at flax seed. Maaari ka rin uminom ng supplement na fish oil upang mas maabsorb ito ng iyong katawan.
3. Collagen
Madalas natin balewalain ang paginom ng collagen dahil karamihan sa atin hindi alam kung ano nga ba ang nagagawa nitong maganda para sa balat. Kung madalas kayo mayroong dry skin, wrinkles at makati na balat ito ay isang sintomas na may decrease collagen production sa inyong katawan. Ang madalas na paginom ng collagen ay makakatulong sa magandang skin complexion.
4. Vitamin C
Isa itong pangunahing bitamina na kailangan ng ating katawan hindi lamang sa balat dahil ito rin ay maganda sa ating immune system upang magcirculate ng maayos ang ating sistema. Importante ang pag-inom ng vitamin C dahil hindi ito kayang i-produce ng ating katawan. Kaya kung nais mo magkaroon ng glowing skin, uminom ka nito.
5. Biotin o Vitamin B7
Ang paginom ng biotin supplement ay makakatulong ma-improve ang ating skin, hair at nails. Isa itong supplement na makakapagbigay ng healthy and young looking appearance. Mas mabilisn ang absorption ng biotin kung ito ay madalas na inumin bilang supplement.
Comments
Post a Comment