Kung papansinin niyo, ang mga tao noong unang panahon ay mas mahahaba ang kanilang buhay at malayong nagkakasa kit dahil ang kanilang mga pagkaing kinakain ay galing lamang sa kanilang bakuran na puro gulay at prutas. At ngayon sa ating panahon, ang dami ang nagsisilabasang s akit dahil na rin sa mga pagkain nating napakaraming artipisyal na sangkap at preservatives na talaga namang nagdudulot ng masamang epekto sa katawan.
Ang lifestyle at food choices ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit umiiksi ang ating buhay. Kaya kung gusto mong mabuhay ng mahaba, piliin lamang ang mga tamang pagkain na dapat mong kainin. Narito ang mga pagkain na dapat mong iwasan!
1. Processed Foods
Ang mga pagkain na dumaan sa proseso gaya ng hotdog at delatang pagkain ay hindi dapat tangkilikin ng sobra. Dahil ang mga ito ay punong puno ng preservatives at kung ano-ano pang artipisyal na kemikal upang hindi agad masira. Mataas din ang mga ito sa sodium na maaaring makapinsala sa iyong kidney dahil sa taas ng salt content ng mga ito.
2. Fried Foods o mga piniritong pagkain
Marami sa atin ang mahilig kumain ng piniritong pagkain dahil mas mabilis nga naman itong lutuin. Subalit ang pagkain nito ng madalas ay masama sa kalusugan ng puso dahil sa mataas na level ng fats na taglay ng mga ito. Maaaring ito rin ang maging sanhi ng pagkakaroon ng komplikasyon sa puso gaya ng hypertension at pagbara ng iyong mga ugat.
3. Softdrinks
Mapa diet, light, o zero man ang sinasabing sugar content ng isang soda ay pare-pareho pa rin silang mga inuming hindi maganda sa katawan. Dahil ang mga softdrinks at iba pang carbonated drinks ay nagtataglay ng mataas na sugar level at iba't ibang kemikal. At kung madalas ang iyong paginom nito ay pwede kang magkaroon ng diabetes at pagdagdag ng iyong timbang.
4. Artificial sweeters o pagkaing may artipisyal na pampatamis
Bukod sa mga pagkain at inuming mataas ang sugar ay dapat ding umiwas sa mga pagkain na may artipisyal na pampatamis. Dahil ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood sugar level ng katawan at pwedeng humantong sa sak!t na diabetes, problema sa atay, obesity, at komplikasyon sa utak.
5. Corn syrup
Ito ay isang uri ng mumurahing pampatamis na matatagpuan sa mga processed foods at carbonated drinks. Kadalasan itong gamitin dahil sa mas abot kayang presyo ngunit nakakasama naman sa kalusugan. Ang pagkain nito ng sobra ay nakakapagdulot ng pagkagutom ng isang tao kaya siya ay mapapakain ng marami at pwedeng mauwi sa pagiging obese at pagtaas ng blood glucose level.
6. Junkfoods
Ang mga junkfoods ay ang mga chitchirya, instant noodles, at mga pagkaing makikita sa mga fast food chains. Ang mga pagkaing ito ay nagtataglay ng napakataas na salt content at madaming preservatives. Kaya kung madalas kang kumain ng mga pagkaing ito ay mag-isip isip ka na kung gusto mong mamuhay ng matagal.
7. Inihaw na pagkain
Oo at napakasarap ng mga streetfoods gaya ng isaw, barbeque, at kung anu-ano pang laman loob. Pero alam niyo ba na ang mga pagkaing inihaw, na habang niluluto ay nagkakaroon ng chemical reactions at formations ng mga mapanganib na compounds na maaaring magdulot ng c****r.
Comments
Post a Comment