Sa ating pagtulog, madalas na tayo ay nananaginip. Mayroong panaginip na ikaw ay lumilipad, natatanggal ang ngipin, nahuhulog, at marami pang iba. Ngunit ang pagkakaroon ng panaginip ng isang mahal sa buhay na namayapa na ay isang experience na hindi mo malilimutan.
Maaaring dahil ang panaginip na ito ay isang senyales na nakakaramdam ka ng kalungkutan sa kanyang pagkawala, o namimiss mo siya, etc. Pero ayon sa mga taong nakakaranas ng ganitong klaseng panaginip, ay idine-describe nila ito na parang totoo.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng panaginip na ito?
Ang ganitong klaseng panaginip ay tinatawag na Visitation Dreams. Ito ay isang hyper-intensive dream na kung saan lumalabas sa iyong panaginip ang isang taong namayapa na at tila parang binibisita ka niya. Ayon sa ilan, maaaring ito ay wala naman ibig sabihin, pero para sa iba dito nila nahahanap ang kanilang mga kasagutan at closure sa kanilang pum^naw na mahal sa buhay.
Ito Ang Mga Katangian Ng Isang Visitation Dreams:
1. Pakiramdam na parang totoo ang iyong panaginip
Ang isang nangingibabaw na katangian ng visitation dream ay ang pakiramdam na ito ay malinaw at parang totoo.
2. Sensation of comfort
Kung binisita ka sa panaginip ng isang mahal sa buhay na namayapa na, ang gising mo ay mas relaxed at peaceful. Kung gumising kang hindi komportable, nagaalala, at takot maaaring hindi ito isang visitation dream.
3. Malinaw ang panaginip
4. Positibo ang panaginip
Ang taong bumisita sa iyong panaginip ay kalmado, positibo, malusog, o di kaya ang kanyang mensahe ay hindi magdudulot ng stress sa iyo.
5. Physical experience
Halimbawa kapag napanaginipan mong hinawakan ang iyong kamay ng namayapang mahal sa buhay, mas matindi ang pakiramdam nito dahil parang ito ay totoo.
6. Madali mo itong maalala
Dahil nga ang overall experience nang panaginip na ito ay parang totoo, mas madali mo itong maalala at hinding hindi mo basta makakalimutan kahit ilang taon na ang lumipas.
Ito naman ang mga posibleng dahilan kung bakit nagpapakita sa iyong panaginip ang isang namayapang mahal sa buhay:
1. Upang magbigay ng mensahe
2. Upang magbigay sayo ng proteksyon, warning, o guidance
3. Upang magkaroon ng closure
4. Humingi ng tawad
5. Iresolba ang kanilang mga unfinished business dito sa mundo
6. Paalalahanin ka na ang kanilang kaluluwa ay okay na at nakatawid na sa kabilang buhay
Nun totoo nga. Po yan ang lolat papako kopo ay nag pakita saken pero nung napapikit nako biglang nawala lola ko namn sa lanaginip ko niyakap kopa tapos iyak ako ng iyak pag gising ko tumutulo padin luha ko
ReplyDelete