
Ang pagkakaroon ng maayos at malinaw na paningin ay mahalaga dahil ang ating mga mata ang pangunahing sense organ na makakagprotekta sa atin sa kapahamakan. Bukod pa dito ay ito ang nagkokonekta sa atin at sa kapaligiran.
Ngunit dahil sa epekto ng modernong teknolohiya, mas madaling masira ang ating mga mata kaya ito ay lumalabo. Narito naman ang mga tips kung paano mo maiimprove iyong paningin.
1. I-stimulate ang iyong mga eye muscles
Upang maibalik ng maayos ang iyong paningin, kailangan mong magsagawa ng mga simpleng eye exercises araw-araw. Ito ang dapat gawin, igalaw lamang ang eyeballs at tumingin sa kanan, kaliwa, taas at baba. Ulitin pa ng ilang beses.
2. Imassage ang iyong mata
Kung buong maghapon kang nakatutok sa computer, sigurado na sasakit ang iyong mata. Upang marelax ang iyong mga pagod na mata, maghanap ng comportableng posisyon. Isara ang iyong mga mata at dahan dahang imassage ng pakonti konti ang iyong mga mata sa loob ng 5 minuto.
3. Uminom ng carrot juice
Ang carrot ay naglalaman ng betacarotene, isang bitamina na nakakatulong upang ma-improve ang iyong paningin. Ayon sa imga pagsusuri, ang pagkonsumo ng carrot juice madalas ay nakakatulong din upang mas mapalinaw ang iyong paningin sa gabi.
4. Pumikit ng madalas
Pumikit ng 20-30 beses, gawin ito 3-5 times a day. Ang blinking exercises na ito ay nakatulong upang hindi magdry ang iyong mga mata at upang mare-distribute ng maayos ang luha (tears) sa buong area ng eyeballs.
5. Imonitor ang iyong blood pressure
Bukod sa diabetes, ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure ay nakakaapekto sa iyong paningin. Ang pagkakaroon ng implamasyon sa iyong optic nerve ay maaaring magdulot ng pagkawala ng paningin. Kaya imonitor palagi ang iyong blood pressure.
6. Bawasan ang sobrang paggamit ng mga gadgets
Ang mga electronic devices gaya ng cellphones at tablets ay isa sa mga bagay na nakakapagdulot ng eye strain. Kaya nagkakaroon ng maagang paglabo ng mga dahil ito sa blue light na ineemit ng mga gamit na ito. Upang maiwasan ang maagang pagkasira ng mata, bawasan ang paggamit nito lalo na kapag gabi.
Ang mga electronic devices gaya ng cellphones at tablets ay isa sa mga bagay na nakakapagdulot ng eye strain. Kaya nagkakaroon ng maagang paglabo ng mga dahil ito sa blue light na ineemit ng mga gamit na ito. Upang maiwasan ang maagang pagkasira ng mata, bawasan ang paggamit nito lalo na kapag gabi.
]
Comments
Post a Comment